Sara bilang pangulo? Pagiging presidente, hindi akma sa babae — Digong
Ni Gwyneth Morales
LARAWAN MULA SA: ABS-CBN News |
"Hindi ito pambabae."
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes tungkol sa pagiging presidente matapos pagbawalan ang kanyang anak na si Mayor Sara Duterte na tumakbo sa 2022 elections.
"I have told Inday not to run kasi naaawa ako sa dadaanan niya na dinadaanan ko... The emotional set-up of a woman and a man is totally different. Maging g*go ka rito," ani Duterte.
Matatandaang nangunguna si Sara Duterte sa listahan ng opisyales na nais patakbuhin ng publiko sa pagkapresidente sa susunod na eleksyon, ayon sa sarbey ng Pulse Asia.
Nagkaroon na ng dalawang babaeng presidente ang bansa — Corazon Aquino noong 1986-1992 at Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001-2010.
Naging tanyag din ang mga babaeng presidente dahil sa kanilang tugon sa pandemya tulad ni Jacinda Ardern, prime minister ng New Zealand.
Noong 2016, ilang beses ding tinanggi ni Digong na tatakbo siya sa halalan bilang pangulo kahit na tumakbo naman siya nang naglaon.
KAUGNAY NA ULAT: ABS-CBN News