Maynila – Nagsimula nang tumanggap ng mga kalahok para sa kauna-unahang National Campus Press Olympiad  (NCPO) ang BDCP Designers and Creatives PH. Itinakda ang huling araw ng pagpapatala sa Mayo 5, 2021.


Tinaguriang ‘biggest virtual journ Olympiad’, inilunsad ang NCPO nitong Marso upang magsulong ng mgapatimpalak na may kinalaman sa pamamahayag para sa mga manunulat sa elementarya, hayskul, at kolehiyo na naka-angkla sa temang, “Promoting Community Development through Multi-platform Campus Journalism.”

Ang sinumang paaralan at pahayagang pangkampus ay maaring magpadala ng kahit ilang kinatawan sa timpalak na ito. Maaari ring sumali sa kahit ilang kategorya ang mga kalahok sa kondisyong walang magiging problema sa iskedyul ng kompetisyon.

Layunin ng nasabing paligsahan na tulungan ang mga kalahok na malinang ang kanilang kakahayan sa pagsulat, pag-uulat, pagguhit, paglilimbag at iba pang paraan at platporma ng pamahayagan habang ipinapaunawa sa kanilang ang mahalagang gampanin sa pagtataguyod ng mga kuwentong komunidad.

“The contests are just icing on top, the cake is how our skills can be used to serve our respective communities in the time of fake news, misinformation, and disinformation in the COVID-19 era,” pahayag ni Alvin Hizon, tumatayong chair ng NCPO 2021.

Nahahati sa dalawang bahagi ang kompetisyon: side events, mula Marso 20 hanggang Mayo 2 at ang main events, May 12 hanggang Hunyo 20. Maaaring mabasa ang buong detalye at panuntunan ng timpalak dito: tinyurl.com/NCPO2021ContestGuidelines

Kinakailangang magrehistro ang sinumang nagnanais na sumali sa main events at magbayad ng kaukulang registration fee. Bukas naman para sa lahat at walang bayad ang mga nais lumahok sa side events. Kikilalanin ang sampung mahuhusay sa bawat timpalak ngunit ang tatlong pinakamahuhusay lamang ang tatanggap ng medalya. Itatampok naman sa BDCP Digest, ang awtputs ng mga magsisipagwagi sa lahat ng kompetisyon.

Samantala, hinikayat ng ilang kilalang personalidad gaya ng TV host na si Robi Domigo ang mga batang mamahayag sa bansa na lumahok sa kauna-unahang edisyon ng NCPO.

Panoorin: https://www.facebook.com/111117597299224/videos/456072572321862

Nakiisa rin sina teacher-vlogger DanVibes, doctor-Youtuber Doc Adam, PBA player Jeff Chan, mga mamahayag na si Maey Bautista at Julius Segovia sa panghihikayat sa mga campus journalist na maging bahagi ng unang ratsada ng nasabing Olympiad.

Para sa karadagdagang impormasyon, mangyaring kontakin ang pamunuan sa kanilang email ncpo.bdcp@gmail.com o bisitahin ang kanilang opisyal na Facebook page