Pfizer mas malakas ang antibody response kaysa Sinovac base sa isang pag-aaral
Ni Annie Jane Jaminal
LARAWAN MULA SA: Yahoo News |
Napag-alaman sa isang pagsusuri na mas mataas ang antas ng antibodies ng mga bakuna ng Pfizer BioNtech kaysa sa mga bakuna ng Sinovac, ayon sa pagsusuri sa Hongkong na binanggit ng South China Morning Post (SCMP), kahapon.
"Some who received the Sinovac vaccine might need a third booster shot as well," ayon sa naturang pahayagan na binaggit naman ang lead researcher at isang epidemiologist sa University of Hong Kong (HKU), Professor Benjamin Cowling.
Ayon sa pa sa kanilang ulat, ang naturang pag-aaral ay isinagawa sa paaralan ng HKU may pagsubaybay sa antibody response ng 1,000 katao na nakatanggap ng alinman sa bakuna.
Samantala, ngayong linggo lamang ay nagbabala ang mga opisyal ng Indonesia na may mahigit 350 medical healthcare worker ang nagkaroon pa rin ng COVID-19 kahit pa bakunado na ang mga ito ng Sinovac, marami pa rin umano ang naipapadala sa mga ospital at nagkaroon ng mga alalahanin tungkol sa bisa nito laban sa mas nakakahawang mga iba't-ibang uri ng variant ng COVID-19 virus.
Habang noong mga unang linggo lamang ng Hunyo, naglabas ng datos ang Uruguay ukol sa epekto ng bakuna ng Sinovac kung saan ito ay higit 90 porsyentong mas epektibo upang mapigilan ang pagkamatay at pagpapaospital.