China, nangakong magbibigay pa ng mga bakuna sa Pinas
Ni Annie Jane Jaminal
LARAWAN MULA SA: PCOO |
Nangako si Chinese Ambassador Huang Xilian na magkakaloob pa ng karagdagang mga bakuna kontra COVID-19 ang China sa Pilipinas upang masiguro ang sapat na dami ng suplay nito sa bansa.
"As the Philippines is facing an increase in demand [for] vaccines, we will donate more and [substantially] increase the supply of vaccines to the Philippines," sabi ni Xilian sa ginanap na inagurasyon ng Estrella-Pantaleon Bridge.
"China and the Philippines are close neighbors that cannot be separated and moved away [from each other]," dagdag pa niya.
Kaugnay nito, kalahati ng 27 milyong dose ng bakuna ay galing China.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. noong Miyerkules, nasa 42 milyong dose pa ng bakuna ang kulang para matugunan ang tamang dami ng bilang nito sa bansa.
Samantala, pinuri naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagkatapos ng kanilang proyekto sa kabila ng pandemya.
"I’d also like to express our gratitude to the government of the People’s Republic of China for financing the project. The P1.46 billion funding that they have extended highlights the goodwill of the Chinese people and its government and further cements the good relations between our two countries," ani Duterte.
"The new bridge will help ease traffic congestion among major thoroughfares in Metro Manila and will improve the mobility of people and goods between Makati and Mandaluyong. It will also support our efforts for the gradual reopening of our economy and improve the resilience of roads and bridges in Metro Manila against natural disasters," dagdag pa niya.
Sanggunian ng ulat: GMA News