Community transmission ng Delta variant sa Pinas ipalagay na lamang na totoo — Duque
Ni Nikki Coralde
LARAWAN MULA SA: Canadian Inquirer |
Kasabay ng pagtanggi ukol sa umano’y pagkakaroon ng community transmission ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) Delta variant sa bansa, hiniling ni Health Secretary Francisco Duque III na maging alerto ang mga mamamayan at isipin na totoo ngang lumalaganap na ang sakit.
Sa kaniyang naging pahayag nitong Biyernes, sinabi pa niya na mas pinaiigting na raw nila ang tugon sa pandemya gamit ang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Regenerate (PDITR) at maayos na “vaccination strategy.”
"There is already local transmission. (As for community transmission), we cannot be definitive about it because of the limited genomic sequencing. But of course, we must assume there is already transmission,” ani Duque.
Kaugnay nito, umabot na sa 216 ang kabuuang bilang ng Delta variant matapos pumalo sa 97 ang kaso nitong Biyernes.
Gayunpaman, sinabi rin ni Duque na 3.4 milyon na dose pa ng bakuna ang inaasahang darating sa bansa sa unang linggo ng Agosto.
"Merong Aug. 3, three million Moderna vaccines (Three million Moderna vaccines will arrive on Aug. 3). Aug. 2 we will have AZ (AstraZeneca), 415,000 doses," aniya.
Sa ngayon, isinailalim muli sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila sa pag-asang mapigilan ang pag-kalat pa ng mas mapanganib na variant.
Sanggunian ng ulat: Philippine News Agency