Ni Ricci Cassandra Lim

LARAWAN MULA SA: Philippine Daily Inquirer

Ang pagbuo ni Bise Presidente Leni Robredo ng alyansa para sa darating na Halalan 2022 ay maaga pa upang kumpirmahin, ayon kay dating Senador Bam Aquino.

Sa isang panayam, nitong Biyernes, Hulyo 30, sinabi ni Aquino na pinag-uusapan pa lamang ng Partidong Liberal ang mga maaaring maging kalagayan ng bansa at sinusuri din ang iba't-ibang panig at pananaw tungkol dito.

“I think it’s premature to talk about any alliances. Pinaguusapan pa lang ano bang bansa ang gusto natin post-2022 at paano natin ito makukuha,” ani Aquino na tumatayong miyembro ng partido.

“We have to accept and we have to look at the reality in our country na iba-iba ang panig natin (that we have different sides), there have been issues na magkakaiba yung pananaw natin (where we have different perspectives), we might agreed on some points, we might disagreed on other points but what we can agree on is we need change in this country na kailangan nating magtulungan (and we need to work together),” dagdag nito.

Ito ay matapos isiwalat nina Senators Richard Gordon at Panfilo Lacson na kanilang napag-usapan ang eleksyon sa magkaibang pagpupulong nitong Miyerkules. 

“I don’t know if I’ll be allowed by the Vice President but we had a chat last week and I don’t want to say anything about what we talked about,” sagot ni Gordon sa isang interview. 



“Yes, just for transparency’s sake because lalabas at lalabas din ‘yan pero ‘di namin pinag-usapan kung sino ang kandidato (the news will come out eventually but we have not talked about who will be the candidate).” Sagot ni Gordon tungkol sa partnership kay Robredo.

“Yes, nag-upo kami—kasama ko rin si Senate President—with Vice President Leni. At that time, kasama niya si [former] Senator Bam Aquino,” sagot ni Lacson sa Kapihan sa Manila Bay virtual forum. 

Dahil dito, umalma si Senator Antonio Trillanes IV matapos hindi pahintulutan ni Robredo ang pakikipag pulong dito na kanilang hinihiling magmula Enero sa kadahilanang kasalanan sa Diyos na pag-usapan ang Eleksyon 2022 sa gitna ng pandemya at laging ang representative lang nito ang nakakausap ayon sa pahayag ni Trillanes sa kanyang Facebook page.

Gayunpaman, tinanggi ito ni Aquino at sinabi nitong ang Pangalawang Pangulo ay nag-"giving way" lamang para sa presidential bid ni Lacson. 

“Wala pa tayo diyan (We’re not there yet). In fact, the VP is very clear na if she is in the best position na many of us supporters of her of course are doing our best to put her in the best position to compete in 2022, she will take on that role,” ani Aquino.



Nilinaw rin na walang masama na nakikipag usap si Robredo sa mga iba’t ibang politiko at mga samahan o tauhan. 

“Hindi naman masamang makipag-usap unang una sa lahat, pangalawa bago mabuo ang ano mang alyansa syempre kailangan munang pag-usapan ano ba ang batayan ng ating samahan. Ano ba ang batayan ng ating posibleng pakikipagtulungan. These things will not happen kung hindi naguusap-usap ang mga tao,” paliwanag nito.

Binigyang diin din ng dating mambabatas na sa ngayon ang layunin ng Partido Liberal ay ang makabuo ng iisang koalisyon.

“Again ‘pag watak watak tayo (if we are not united) going to 2022, it’s not going to work. That is the best chance that we have to create this change na hinahanap natin (that we are looking for),” pahayag nito.


Mga sanggunian ng ulat: GMA News, Microsoft News