Ni Patricia Nicole Culob

PHOTO: ABS-CBN News

Tatlong bansa umano ang nangakong magbibigay ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas, anunsyo ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., lunes, Agosto 23.

Sa isang vaccination event, ibinalita ni Galvez na tatak Pfizer ang 1.5 milyon ng donasyon samantalang isang milyon naman ang mula AstraZeneca, gayunpaman hindi nito pinangalanan ang mga nasabing bansa.

“Madaming magdo-donate na mga bansa. Nagsabi na ang tatlo (bansa) na magdo-donate sila ng 1.5 million doses na Pfizer at saka one million na AstraZeneca,” hayag niya.

Bukod pa rito, isang bansa pa umano ang planong magbigay ng bakuna sa Pilipinas ngunit hindi rin ito pinangalanan ni Galvez.



Pagmamalaki niya, bunga ito ng mabuting relasyon ng bansa kasama ang iba pang nasyon.

Samantala, ibinalita rin ng vaccine czar na may 5.1 milyong bakunang inaasahan dumating ang gobyerno ngayong linggo.

Mula Sinovac Biotech ang 3 milyon dito, 1.8 naman ang sa Moderna, at 300k mula Pfizer.

Sa kasalukuyan, 13 milyon pa lamang ang bilang ng mga Pilipinong fully-vaccinated, higit na malayo sa 70 milyong target ng pamahalaan bago matapos ang taon.


Mga sanggunian ng ulat: Philippine Daily Inquirer, ABS-CBN News