Ni Monica Chloe Condrillon

PHOTO: PCOO

Kinilala ng pangulo ang kadakilaan ng mga health personnel at essential workers na siyang nangunguna sa digmaan ng bansa kontra sa umiiral na COVID-19 pandemic bilang mga ‘modern-day heroes’.

Sa pagunita ng Araw ng mga Bayani, idiniin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang mensahe ang ‘indomitable spirit’ at pagiging palaban na ipinakita ng mga tinaguriang ‘unsung heroes’ sa nagdaang dalawang taon.

“This National Heroes Day, we pay tribute to a new breed of heroes who readily answered the call to fight in a war against one of the greatest threats to our way of life,” wika niya.

Inihandog niya ang pasasalamat sa libo-libong mga economic frontliners, kabilang na ang mga health workers, uniformed personnel, at government employees sa kanilang mga sakripisyo sa pagtugon sa pangangailangan ng bansa.

“Their names will not be etched on edifice, statues will not be erected in their honor, banknotes will not be graced by their portraits, and their individual exploits will not be immortalized on the pages of history books. Yet, for selflessly risking their lives to ensure the survival of our society, I can confidently say that they have more than earned their rightful place in the pedestal of heroes,” dagdag niya.



Inilaan din niya ang selebrasyon sa mga mamamayang Pilipino na tinatabi ang pansariling interes at inuuna ang kabutihang panlahat.

“This year, let us consecrate this day not just as a memorial to their extraordinary heroism, but as an enduring testament to our inherent capacity to rise above self-interest to fight for a cause far greater than our own,” saad niya.

Hinikayat niya ang sangkatauhan na matuto mula sa mga bayani ng bayan noon at sa mga ‘modern-day heroes’ ngayon na muli niyang pinuri.
 
Pinangunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang paggunita ng Araw ng mga Bayani at siyang nag-ulat ng mensahe na pinadala ng pangulo. 

Nakasaad sa Republic Act 9492 ang pag-aalay ng huling araw ng Lunes tuwing Agosto sa mga bayaning nagsakripisyo para makamtan ng Pilipinas ang kalayaan laban sa pananakop ng mga dayuhan.


Mga sanggunian: GMA News, Manila Times