Ni Ricci Cassandra Lim

LARAWAN MULA SA: Online Philippines

Sa 2020 report ng Commission on Audit lumalabas ang pagkukulang ng Department of Health (DOH) sa paggamit ng kagawaran sa pondong nakalaan para sa COVID-19 response na mahigit P67 Bilyon. 

Isinapubliko ang ulat na ito nitong Miyerkoles, Hulyo 11, at isa ito umano sa mga naging dahilan kung bakit nahirapan din ang DOH ngayong pandemya.

Ayon sa COA, P5.038 bilyon na halaga ang kulang sa dokumentasyon, malinaw na lumalabag sa Government Procurement Reform Act.



Kabilang sa nasabing ulat, ang suplay pang-medikal na nagkakahalaga ng P69.942 bilyon ang hindi pa rin nagagamit o hindi agarang nagamit na maiiwasan sana kung sumunod lamang tamang proseso ng pagbili.

Ang ibang mga cash allowances, gift certificates, at grocery items na nagkakahalaga ng P275.908 bilyon ay wala ring legal na basehan. 

Maging mga in-kind na donasyon na nasa P1.405 bilyon ay wala ring sapat na dokumentasyon.

"Most importantly, the billions of pesos in the coffers of the DOH that have remained not obligated and disbursed at year-end is counter-beneficial to the department's continuing efforts towards controlling the spread of COVID-19 through provision of quality health services," pahayag ng COA.

“This condition affects the utilization of COVID-19 funds vis-a-vis the agency’s implementation capabilities and its response to the urgent healthcare needs during the time of state of calamity/national emergency,” dagdag nito.

Hinihiling ng mga auditor kay Health Secretary Francisco Duque III na maglabas ng memorandum na nagpapaalala sa DOH na sundin ang mga batas at regulasyon sa pagbili at paggastos.



Inirekomenda ng ahensya sa DOH na magsagawa ng imbestigasyon sa serbisyo ng internal audit at pagpataw ng parusa kung kinakailangan.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Duque ang kanyang mga opisyal at iba pang nangangasiwa na suportahan ng mga sapat na dokumento ang lahat ng mga nagawang transaksyon.


Sanggunian ng ulat: ABS-CBN News, CNN PH