Ni Ricci Cassandra Lim

PHOTO: Rappler

Umaasa ang Malacañang sa agarang paggaling ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos siyang magpositibo sa COVID-19. 

Dinala si Moreno sa Santa Ana Hospital kinagabihan ng Linggo matapos niyang makaranas ng sintomas katulad ng pananakit ng katawan, ubo, at lagnat.



“We wish Mayor Isko Moreno good health. We hope that he gets well soon,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing nitong Lunes. 

Idiniin din ni Roque na sa kabila ng pagiging bakunado, maaari pa ring makaranas ng mga sintomas ngunit maiiwasan na ang pagiging malala ng pagkakasakit at pagkamatay.

“’Yang karanasan ni Yorme ngayon, sa tingin ko precaution 'yong kanyang pagho-hospital pero sa tingin ko seguro moderate ang magiging kaso niya, hindi na siya magiging kritikal dahil bakunado na siya,” ani Roque.



Ayon naman sa Director ng Sta. Ana Hospital na si Dr. Grace Padilla, stable na ang kalagayan ng alkalde at kasalukuyang ginagamot sa pamamagitan ng antibiotics at supplements. 

Lumabas ang resulta ni Isko makalipas ang isang linggong nahawaan din ng naturang sakit si Manila City Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.


Mga sanggunian ng ulat: Philippine Daily Inquirer, PNA, Microsoft News