Parthenogenesis: Parehas na kasarian, posibleng makabuo ng sanggol
Ni Jhennisis Valdez
PHOTO: Shutterstock |
Babae sa babae, at walang sangkot na lalaki? Tila wala ngang pinipiling kasarian ang pagmamahal. Pinatunayan ito ng dalawang babaeng pating na nagsilang ng isang maliit at masiglang sanggol.
Isang uri ng pating na kung tawagin ay smoothhound ang isinilang sa Acquario di Cala Gonone na matatagpuan sa Sardinia, Italy. Kung saan nabuo ito sa loob ng all-female shark tank.
Ayon sa Italian Outlet AGI, kinilala ang pating bilang si Ispera, ibig sabihin ay "pag-asa" sa salitang Sardinia.
Dagdag pa ng Italian Outlet AGI, bihira lamang ang ganitong pangyayari, nasa 10 taon ng nakalagay ang inang pating sa aquarium kasama ang isa pang babaeng pating, at tinatayang ito ang kauna-unahang parthenogenesis na naitala sa ganitong specie ng pating.
Ang parthenogenesis ay isang madalang na pangyayari na kung saan ang egg cell ay nabuo sa embryo, na hindi kinakailangan ng sperm cell.
Sagot sa Pagkaubos
Ulat ng Live Science, tinatayang nasa 80 vertebrate species ang inoobserbahan ng mga eksperto, kung possible din ang parthenogenesis sa kanila, kabilang na dito ang isda, at iba pang mga reptile.
"About 15 species of sharks and rays are known to do this," sambit nang direktor ng Sharks and Rays Conservation Program at Mote Marine Laboratory & Aquarium sa Florida, na si Demian Chapman sa Live Science.
Naniniwala din si Chapman na makatutulong ang parthenogenesis sa mga species na kulang sa bilang ng mga lalaki, upang mapalaki ang populasyon at maiwasan ang pagka-endangered ng mga ito.
Sangay ng Parthenogenesis
Samantala ayon naman sa National Geographic, mayroong dalawang uri ng parthenogenesis.
Isa na dito ang apomixis, na kung saan isa sa mga prosesong ginagawa sa papaparami ng mga halaman.
Automixis naman ang tawag sa prosesong naitala sa mga pating, na kung saan kinakailangan ng shuffling nang gene mula sa nanay, upang makabuo ng halos kagayang offspring.
Kabilang Banda ng Proseso
Sa kabilang banda, ipinaliwanag naman ng researcher mula sa University of Queensland, Australia na si Christine Dudgeon sa Live Science kung paano nangyayari ang parthenogenesis.
"Rather than combining with a sperm cell to make an embryo, [the egg cell] combines with a polar body, which is essentially another cell that is produced at the same time that the egg cell is produced and has the complementary DNA," aniya.
"Parthenogenesis is essentially a form of inbreeding, as the genetic diversity of the offspring is greatly reduced," dagdag pa ni Dudgeon.
Kung pagsusumahin, tinatayang maliit ang tsansang mabuhay ng matagal ang nilalang na dumaan sa proseso ng parthenogenesis.
Samantala ayon sa New York Post, nagpadala na ng DNA sample ni Ispera sa di nasabing laboratoryo ang mga Marine biologist sa Italian aquarium, upang makumperma kung ipinanganak talaga siya mula sa proseso ng parthenogenesis.
Mga sanggunian: Science Alert, Business Insider