WIKAalaman: 30 Salitang Tagalog na Pandagdag sa Bokabularyo
Nina Llewellyn Ziv Lim at Lujille Ardaine Pascua
Larawan mula sa The Random Things Channel |
Marilag - maganda
Katipan - romantikong kapareha ng isang tao
Marahuyo - pagkaakit ng isang tao sa kagandahan ng bagay o isa pang tao
Pagsamo - ang akto ng pagmamakaawa; maaari ring tumukoy sa paghingi ng tulong sa pamamagitan ng panalangin
Balintataw - ang itim na bahagi ng mata na dinadaanan ng liwanag tungo sa retina
Kinaiya - mga katangiang taglay ng isang tao na bumubuo sa kaniyang pagkatao
Sapantaha - kutob o palagay; ang kolokyal na salitang kadalasang ginagamit para rito ay ang terminong “akala”
Samyo - salitang hindi na kadalasang ginagamit na nangangahulugang halimuyak
Kalinaw - kapayapaan
Asikot - makalumang salitang Tagalog na tumutukoy sa taong pakalat-kalat
Awon - pormal na salitang Tagalog na maaaring gamitin panghalili sa salitang “oo”
Kalatas - binigkas o nakasulat na paraan ng pakikipagkomunikasyon na karaniwang para sa pangkat ng mga tao
Wingkag - pwersahang pagbukas ng kandado gamit ang isang baras
Tunggak - pag-angat ng ulo ng ahas o ng ulo ng isda mula sa tubig
Kinaadman - kaalaman
Alpas - ang akto ng paglaya o makapag-maluwag
Alibugha - iresponsable; walang pakundangan sa paggastos ng salapi o yaman
Luningning - liwanag o ningning
Katampalasanan - kabastusan,kasamaan at kalokohan
Parikitan - ang pagandahin ang isang bagay
Pasinaya - pagtatalaga sa tungkulin
Yamot - inis o walang pasensya
Humaling - pagkakaroon ng matinding pagmamahal o damdamin sa isang tao o bagay
Baldog - pagkauntog o pagtama ng katawan sa lupa ng hindi inaasahan
Ungkat - pagbanggit ng mga bagay o salita na nakalipas na
Talastas - pagpapalitan ng impormasyon o kaalaman
Sinupin - pagtago o pag-ayos
Pagdarahop - pagkagutom o kahirapan
Pahimakas - isang huling paalam o salita
Kilatis - ang pagkilala o pagsusuri