Ni Xhiela Mie Cruz

PHOTO: PCOO

Kinundena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 7-hour “talkathon” umano ng Senado tungkol sa sobrang taas na presyo ng suplay para sa pandemya subalit hindi naman nagpatinag ang ilang senador matapos punahin ang mga aksyon ng mga ito.

Ayon sa isang taped public address nitong Martes, matapang na binanggit ng pangulo na unti-unting nawawala si Senator Richard Gordon sapagkat nagkampeon umano ito sa binansagan niyang “talkathon” dahil nais lamang daw nitong magpakitang-tao lalo’t nalalapit na ang Halalan 2022.

“Kanya ang tanong, kanya ang sagot at siya ang magsabi kung mali ka o hindi. Seven hours bugbugin mo ng tanong mawawala talaga ‘yan. The guy wants to talk and show to the world that he is a bright boy. Wala namang question 'yan parehas tayong abugado parehas tayong pumasa sa bar. Iisa lang naman yan pero iba ka ‘dre,” ani Pangulong Duterte.

Inatake rin ng pangulo si  Sen. Gordon ng ilang personal nitong isyu at mariing sinabi sa broadcasting staff na huwag nilang manipulahin kung anuman ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig sa kabuuan ng hearing.


“Ang advise ko sa iyo, magpapayat ka muna para medyo.. nalilipong ako pag tinitingnan kita p--ang— ‘Wag mo putulin yan ah totoo ‘yan,” sabi ng pangulo.



Dagdag pa rito, dinamay rin ni Pangulong Duterte si Senator Panfilo Lacson dahil sa pagbaling umano ng atensyon nito sa mga walang kwentang bagay katulad ng nasilip nitong ilang senador lamang ang maaaring umapela sa pagbibitiw sa puwesto ni Health Secretary Francisco Duque III.

“Si Ping naman sila dalawa ni Sen. Gordon nag-usap…about Duque resigning…Pumasok naman to si Ping “‘Di ba tayo lang puwede ang puwede magpa-resign ng si Duque? Ping, anybody can demand your resignation miski na ice cream vendor depende na lang kung sasagot ka hindi,” pahayag ni Pangulong Duterte.


Pagtanggol sa imbestigasyon

Hindi naman umano magpapaapekto ang mga senador na nabanggit ng pangulo at aasahang ipagpapatuloy pa rin nila ang imbestigasyon sa overpriced pandemic supplies.

"The Senate will not flinch on this one. The Senate investigation is still ongoing. There is a lot more to discover and pursue so that all those responsible for this abominable crime against the Filipino people who continue to suffer amid the pandemic will be exposed and charged in court at the proper time," apela ni Sen. Lacson.

Sa huli, inaasahan naman na sa September 7 sa kasalukuyang taon ang susunod na pagpupulong sa Senado kung saan pinaghahandaan na umano ng mga dadalo lalo na ng mga senador na napag-iinitan ni Pangulong Duterte.


Mga sanggunian: GMA News, ABS-CBN News