Ni Patrick Caesar Belas

PJHOTO: PNA

Nakatakda na ang resignation nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia at MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago para magbigay-daan sa kanilang pagtakbo sa Kongreso sa darating na 2022 Elections.

Epektibo na ang resignation ni Garcia sa October 4 at sa October 5 naman, plano niyang mag-file ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-kongresista sa 3rd District of Rizal.

“Magbibitaw na po ako bilang general manager ng MMDA, effective October 4, dahil may intensyon po akong tumakbo bilang kauna-unahang mambabatas ng ikatlong distrito ng Rizal, ang San Mateo po,” ani Garcia sa isang virtual press briefing.

Ayon kay Garcia, depende pa umano sa Executive department kung sino ang papalit sa kanya sa MMDA.

Samantala, lilisan na rin ni Pialago ang ahensya matapos nitong ianunsyong tatakbo siya bilang partylist representative sa ilalim ng Malasakit Movement Partylist sa susunod na taon.

“I will run as [the] Representative for the Malasakit Movement Partylist. Under my banner, I will work for standard benefits of barangay representatives, kagawads, barangay tanod frontliners and barangay health workers,” saad ni Pialago.

Nakatakda naman niyang ipasa ang kanyang kandidatura sa October 6.


Sanggunian ng ulat: GMA News