By Rinoa Kate Dela Cruz

Sa tagal ng panahon na pananatili ng mga mag-aaral at guro sa modular at online distance learning, karaniwan sa kanilang mga feedback ay, “Kailan ba ang face-to-face classes?” Worry no more dahil ang isang guro sa Looc, Occidental Mindoro ay gumawa ng sarili niyang face-to-face class.




Kinaaaliwan ng mga netizens online ang isang guro mula sa Burol Elementary School na si Jayson Magan matapos niyang ibahagi ang mga imaheng ito sa kanyang Facebook account. 

"Face-to-face na kami sa Burol Elementary School, sana kayo rin. Pauuwiin ko na sila ng maaga dahi namumutla na," pabirong caption niya sa kaniyang post. 
Dahil sa iba’t-ibang reaksyon at komento na natanggap ng guro, gumawa siya ng isang video na mapapanood sa YouTube upang pasalamatan ang mga netizens, “Talagang nakaka-inspire, nakaka-motivate po ang inyong mga komento. Bilang isang guro, ay nakakataba po [ito] ng puso kaya nagpapasalamat po kami diyan,” sabi ni Magan. 

Ayon pa sa kaniya, ang mga life-sized standees na ito ay proyekto na ginawa sa tulong ng mga mag-aaral at kanilang magulang mula sa Kindergarten Strawberry, “ito po ay ni-require po talaga ng module kaya ang mga parents po ay talagang nagbigay ng oras, ng suporta, at pagmamahal sa paggawa ng proyekto pong ito,” aniya.





Ginawa umano ito ng guro dahil hindi pa pinapayagang mag face-to-face classes ang kanilang paaralan kaya naisipan nilang gumawa ng mga standee na may litrato ng mga bata upang mailagay sa classroom ni Magan. 

“Napakaganda naman kahit yan po ay mapuputla at medyo creepy,” Biro pa nito.
Maaari pong panoorin ang buong thank you video sa kaniyang YouTube channel: Teacher Jay Vlog Studio, o kaya sa pamamagitan ng link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=B1Yv7JtxrIs


DISCLAIMER