Ni Lynxter Gybriel Leaño

PHOTO: PCOO

Pinaghihinalaan pa rin hanggang ngayon ng mga sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte kung pinal na ba ang naging desisyon ng pangulo na magretiro  sa politika.

Kaya sinabi na mismo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga nagdududa sa pangulo na hintayin ang pagtatapos ng filing of Certificate of Candidacy (COC) sa Oktubre 8 at sa Nobyembre 8 bilang huling araw ng candidacy substitutions.

Nagbunga ang pagdududang ito kasunod ng pagdeklara kay Senator Bong Go na tatakbo bilang bise-presidente imbes na si Duterte, na nag-anunsyo ring bibitawan na ang mundo ng politika.

“Wala na po akong assurance na maibibigay doon sa mga talagang gusto magduda,” paliwanag pa ni Roque sa kanyang Palace briefing noong Lunes.

Ipinahayag din niya ang posibleng pagbabago ng isip ni Duterte at kakalabanin ang kapartido nitong si Bong Go sa pagkabise-presidente.

“Bakit naman tayo magdududa kung sinabi na ni Presidente ‘yan? At naghain na po ng certificate of candidacy si Senator Bong Go for vice president. Hindi na po makakatakbo si Presidente sa position ng vice president dahil hindi naman niya pupuwede labanan si Senator Bong Go,” diin pa ni Roque.

Matatandaan ring paulit-ulit na sinabi ni Duterte na hindi siya tatakbo sa pagkapangulo sa eleksyon 2016 ngunit biglaan na lamang nitong binawi ang COC sa pagka-alkalde ng Davao City at pinalitan si Martin Diño bilang kandidato sa pagkapangulo sa partidong PDP-Laban. 


Sanggunian ng ulat: Philippine Daily Inquirer