Sara, pinabulaanan ang usap - usapang pagtakbo bilang VP ni Bongbong
Ni Xhiela Mie Cruz
PHOTO: Sara Duterte FB |
Itinanggi ng anak ng kasalukuyang presidente ng Pilipinas, President Rodrigo Duterte, na si Davao City Mayor Sara Duterte ang bali - balitang nagkaroon sila ng talakayan ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ukol sa pagtakbo nito bilang bise presidente ng nasabing senador.
Nilinaw ng Mayora na tanging ang mga paraan lamang kung paano matutulungan sa pangangampanya ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP), panrehiyong partido na kinabibilangan ng alkalde, ang napag-usapan nila at wala nang iba pa.
“I cannot comment on that but you can ask him (Marcos) since he is the one who is a candidate for a national position. There are no talks about it. What we talked about is how HNP in Davao region can help in his bid for the presidency,” ani Duterte.
Sa kabilang banda, naimbitihan naman si Duterte ni Liloan Mayor Christina Garcia-Frasco na anak ni Gov. Gwendolyn Garcia sa Cebu.
Dagdag pa rito, nabanggit ni Duterte na magkakaroon siya ng isang malaking anunsyo sa kanyang pagbisita sa Cebu na inabangan naman ng mga Cebuano at dito niya nga sinabi na hindi umano siya tatakbo sa mataas na posisyon sa eleksyon sa isang taon.
“Governor Gwen has been a friend since 2012. I was invited to one of the tourism events in Cebu. Last night, I was with her and I told her, beyond politics, do not forget that since 2012, I was already here in Cebu to support and as a friend, and of course not to forget my roots from Cebu,” saad ni Duterte sa kanyang pahayag sa pagbubukas ng Pier 88 sa Liloan.
Sabi pa niya, mas malalim pa sa pulitika ang relasyon na nabuo niya sa pagitan ng mga ito at asahan na magiging madalas ang kanyang pagsulpot sa maraming mga kaganapan sa Cebu dahil mapadadalas ang pagbisita nito sa nasabing lugar.
“My maternal grandparents are from Tuburan and my paternal grandparents are from Danao. I ask all of you not to forget to campaign for me to your friends in Davao. Please do not forget to campaign for me in Davao,” pahayag ng Mayora.
Base pa kay Rep. Pablo John Garcia, pinaplano pa ng One Cebu Party ang kanilang mga desisyon para sa mga national candidates and alliances bago ang Nov. 15 kung saan huling araw ng pagsusumite ng listahan ng sabstitusyon ng mga kandidato.
“If you see national candidates and personalities with raised hands together with our governor, that is them endorsing the governor and not the other way around,” aniya.
Sanggunian ng ulat: Philippine Daily Inquirer