Ni Xhiela Mie Cruz

PHOTO: Gulf News

Pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Ferdinand Marcos Jr. nang tawagin itong ‘weak leader’ kaugnay sa kamakailan lamang na pagsanib-pwersa ng Lakas-CMD ng anak ng pangulo na si kasalukuyang Davao Mayor Sara Duterte.

Sa isang talumpati sa Calapan, Mindoro, nakwestiyon ang pangulo kung makikipagkaisa ang Pederalismo nitong Dugong Dakilang Samahan at PDP-Laban na kinabibilangan nito.

"No. Because andiyan si Marcos, e. Hindi ako bilib. He is a weak leader. Totoo ‘yan, di ako naninira, kasi spoiled child, only son. He is a weak leader, totoo 'yan, I do not foist lies, masisira ka. Bantay kayo, [baka] magkamali ang Pilipinas," ani Duterte.


Sa kabilang banda, inanunsyo ni Sara ang buong suporta ni kay Marcos Jr. na siya ring standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, kandidato sa pagkabise presidente at kamakailan lamang na nahalal bilang chairperson ng Lakas-CMD.

Kaugnay pa rito, hindi pa umano naglalabas ng kahit anong pahayag sina Sara, Marcos Jr., at maging si House Majority Leader Martin Romualdez.

Samantala, pinuri naman ni Duterte ang iniendorso nitong kandidato na si Senator Christopher Lawrence "Bong" Go.

"He is honest, matiyaga (persevering). Si Bong talaga ang personal choice [ko] for president,” aniya.

Dagdag pa rito, binanggit muli ng pangulo ang hindi niya pinangalanang presidential candidate umano na gumagamit ng cocaine.

"'Yung kalaban niya, I cannot mention his name. As a mayor, alam ko, 'yung mga mayaman sa Davao, pati yan siya, humihirit ng cocaine. Cocaine lang naman, wala akong sinabing shabu," saad ni Duterte.


Sanggunian ng ulat: GMA News