Roque bigo sa pagtamo ng pwesto sa ILC
Ni Cherry Babia
PHOTO: News5 |
Nabigong makakuha si Presidential Spokesperson Harry Roque ng pwesto sa International Law Commision (ILC) matapos matamo ang pinakamababang boto sa mga nominado sa gitna ng oposisyon laban sa kanyang bid ng kanyang kapwa abogado at ilan sa mga grupo ng human rights.
Sa 191 miyembro ng United Nations na dumalo, 87 lamang ang pumabor sa kanyang nominasyon para sa ILC, isang lupon ng grupo na tumutulong sa pagbuo at pag-sistema ng internasyonal na batas na ginanap noong Sabado (Manila time).
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Roque na ang kanyang bid para sa ILC ay isang ‘challenging campaign throughout’.
“My candidature at the ILC was a challenging campaign throughout but we met it head on. Unfortunately, we did not succeed. I thank President Rodrigo Duterte, for his nomination and unwavering support of my candidature,” aniya.
“I thank the Department of Foreign Affairs, and the officers and staff of the Philippines’ Permanent MIssion to the United NAtions , for their steadfast professionalism and support.”
Inihayag rin niya ang kanyang pagbati sa mga bagong miyembro ng ILC, at kanyang sinabi na ipagpapatuloy niya ang kanyang adbokasiya para sa vaccine equality at pagtaas ng lebel ng dagat.
“I wish the new members of ILC succeed, especially as they tackle challenging issues such as rising sea levels and vaccine equality - issues which I will continue to advocate as well.”
Ganunpaman, isa si Roque sa 34 na nominado para sa pwesto sa ILC at isa sa mga bansang nakipag-paligsahan para sa walong pwesto na inilaan para sa Asia Pacific Region. Nakakuha ng pinakamataas na boto para sa Asia Pacific Region ang bansang India, Thailand at Japan na nakatamo ng higit pa sa 150 na boto kada isa. Ang bansang VIetnam, China, South Korea, Cyprus at Mongolia ay pasok rin sa mga bansang nakakuha ng pwesto sa ILC.
Naging kontrobersyal naman ang naging ILC campaign ni Roque nang may ilang militanteng raliyista na pinaratangan siyang ‘war criminal’ sa kanyang pagdalo sa isang pagtitipon sa New York. Ang akusasyon ay dulot ng kanyang pagiging ugnay kay presidente Duterte na kilala sa kanyang madugong administrasyon kontra droga.
Kabilang rin ang 150 abogado ang hindi sang-ayon sa pagsali ni Rogue sa ILC. Inilahad nila ang ilan sa mga depensa niya noon sa naging pahayag ni Duterte na diumano ay nagbibigay daan para sa pagpatay (EJKs), pag-atake sa rule of law, at mahinang tugon sa pandemya. Ito, ayon sa kanila ay dahilan ng hindi pagiging karapat-dapat niya sa pagiging bahagi sa international law making body.
Ayon sa UP DIliman Executive Committee, na isa rin sa hindi sang-ayon sa pagsali ni Roque sa ILC, ang pagsali umano nito sa kinatawan ng UN ay isang ‘aberration’ sa direktiba ng ILC, binabawasan ang katayuan nito at nakaka-apekto sa kridibilidad, lalo na sa paghikayat sa ‘progressive’ na pag-unlad ng mga internasyonal na mga batas.
“Atty. Roque has a very poor track record of promoting, defending, and fulfilling human rights and the rule of law, especially during the administration of President Rodrigo R. Duterte in which he serves as a cabinet member,” anito.
Ang pagkabigo ni Roque sa pagkuha ng pwesto sa ILC ay sinalubong ng kaginhawaan ng National Union of People’s Lawyers (NUPL). Sinasabing isang malaking kaginhawaan para sa kanila na maabutan ang hindi paghirang kay Roque bilang kasapi sa ILC.
“Without deriving any pleasure over it, it is still with enormous comfort that we meet the non-election of Harry to the ILC,” ayon sa presidente ng NUPL na si Edre Olalia sa isang pahayag.
“We welcome the very telling vote of the UN on the heels of the strong protests and opposition of his own peers and people. This could be seen as a ringing thumbs down for his principal as well,” dagdag niya.
Ang sagot ni Roque sa UP Diliman, “Kasama po talaga ito sa ingay sa pulitika at asahan ninyo na lalo pang lalakas ang political noise. Maghanda na lang po tayo ng bulak para pagtakpan ang ating taenga.”
Mga sanggunian: ABS-CBN News, Philippine Daily Inquirer, Manila Bulletin, Inquirer News