Ni John Emmanuell P. Ramirez

PHOTO: Cine Censual
“Kung sa mga nasalanta ng Odette may kagyat tayong ayuda, ang industriya ng pelikula ay binagyo at dumapa rin.”

Dinepensahan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) organizers ang katagumpayan ng event sa kabila ng pandemya, datapwat inambunan ito ng mababang numero ng mga manonood sa sinehan at inulan ng batikos mula sa mga dismayadong Pilipinong Spider-Man fan. 

Sa isang post, idiniin ni Noel Ferrer, MMFF spokesperson at film producer, na napakalaking achievement na ang maituloy ang pista bilang unang hakbang para maibalik ang kumpiyansa ng mga tao at prodyuser sa industriyang “naipatigil, naisantabi at hindi itinuring na “essential” ng halos dalawang taon.”



Giit niya, local cinema operators na ang nag-ulat na ang featured films ngayong taon ang pinakapumatok sa takilya mula noong muling buksan ang mga sinehan noong Nobyembre, kung saan nasaklaw ng gross ng unang araw ng pista ngayon ang sangkatlo (1/3) ng kabuuang MMFF online gross ng nakaraang taon.

“Sa Hollywood ganito rin, hindi maiaalis ang takot at pangamba- kahit saan na nag re-open ang sinehan ay ganito - the important thing is - we took the challenge - and we really had to take that painful first step - because we really have to start somewhere,” saad pa ni Ferrer.

Matatandaang simula nang sumirkulo ang mga post at litrato hinggil sa mababang turnout ng viewers sa ilang mall sa Maynila noong araw ng Pasko, Sabado, sumabay pa ang mga batikos ng mga netizen sa “kawalan ng kalidad” ng mga pelikula rito, na mas pinaboran daw kaysa sa pinagpalibang showing ng Marvel’s “Spider-Man: No Way Home.” sa Enero 8.

‘Whether You Like It or Not’

Umapela naman ang ko-prodyuser ng “Kun Maupay Man It Panahon,” ang nagwaging pangalawang Best Picture ng MMFF, sa mga Pilipino na matutong magkaroon ng pasensya ang mga Pilipinong Spiderman fans, at suportahan muna ang mga lokal na pelikula ng pista habang naghihintay.

PHOTO: Metro Manila Film Festival
“Para po sa mga nagsasabing sana hindi na natuloy ang MMFF at mauna na po si Spider-Man, pakiantay na lang po sa January 8, please,” wika ni Lawyer Josabeth “Joji” Alonso sa kanyang talumpati sa awards night matapos tanggapin ang tropeya para sa kanilang obra.

Kasabay nito ang kanilang panawagan na tangkilikin ang sariling atin, upang mapawi naman ang kanilang paghihirap para magawa ang mga pelikula; giit niya, “Sana naman po ‘wag niyo po kaming pabayaan kasi this is for everybody. Paano na lang po tayo kapag wala na pong gagawa ng pelikula?”

Si Alonso ay parte ng pelikulang ukol sa mag-inang nasalanta ng Yolanda na “Kun Maupay Man It Panahon” na humakot ng pitong tropeya sa MMFF: Second Best Picture, Best Visual Effects, Best Production Design, Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural award, Best Actress para kay Charo Santos-Concio, at Best Actress in a Supporting Role para kay Rans Rifol.

Big-Time sa “Big Night”

Ngunit, ang pinakadumomina naman na pelikula sa Gabi ng Parangal ay ang dark comedy film na pinamagatang “Big Night” na dinerekta ng tinaguriang Best Director ng taon na si Jun Robles Lana. 

Ito ay pinangunahan ng Best Actor in a Lead Role na si Christian Bables, na gumanap bilang isang gay beautician na parte raw ng isang drug watch list, at ni John Arcilla na nakakuha ng Best Supporting Actor award para sa kanyang pagtatanghal.

Ilan pa sa walong nakamit na parangal ng pelikula ay ang: Best Screenplay, Best Cinematography, Best Musical Score, at Gender Sensitivity award. 

Third Best Picture naman ang “A Hard Day” nina Dingdong Dantes at John Arcilla, na umani rin ng parangal na Best Editing at Best Sound.

Itong tatlong obra rin ang binigyang-kilala ng beteranong direktor na si Jose Javier Reyes—na isa sa mga umupong juror ng naturang pista—bilang magandang dahilan upang maipagpatuloy pa ang MMFF, at dinepensahan niyang mas deserba ng mga ito ang mas malawak na audience kaysa mga mas komersyal na pelikula.

“Sayang if these films do not get the affirmation from the Christmas crowd simply because they have chosen to make statements rather than service popular taste,” daing ni Reyes. 

“So is it worth the risk of going to a cinema to watch a film? These are three very good reasons to do so. If only to affirm the bravery and effort of the filmmakers who put these three films together, then please do so,” dagdag pa niya.

Bahala na si Spider-Man

Ilan lang sa mga aspetong ikinabit sa kung bakit mababa ang turn-out ng mga movie-goer ngayong MMFF ang pagpapalabas pa rin ng usual comedy at rom-com movies sa pista, ang lumalaking pagpabor ng mga Pilipino sa streaming platforms kaysa personal na dumalo sa sinehan, at ang mistulang pagtanggi ng mga Marvel fans na manood dahil sa delay ng “Spider-Man: No Way Home.” 

Hinggil dito, sadyang nagkataon na may mga taong mas tinatangkilik ang next Marvel Cinematic Universe (MCU) installment kaysa MMFF, dahil naliligtaan ang maganda at pangit na kalidad sa kalakihan at kasaklawan ng pelikula, gamit ang formulang “proven and tested” na sa takilya.

Ito ang opinyon ng blogger na Cinesensual, na nagpapatunay na walang masama kung anong tangkilikin ng tao kung pareho lamang ng formula ang MCU at MMFF, ngunit ibang usapan na ang pilitin ang taong tangkilikin ang isa, kung kaya’t walang kabuluhang magsisihan ang magkabilang kampo.

“Does it stem from some sort of pseudo-nationalistic stance that local audiences should patronize local films; or the fallacy that supporting the MMFF means you are supporting the local film industry?” wika nila.

“The public’s (that would rather watch Spider-Man) contempt is not towards local films, but the MMFF’s track record,” dagdag pa nila. “People would only watch films they think would get their whole money’s, time’s, and health’s worth.”

Payo ng Cinesensual, limitahan ang import ng foreign films at palawigin ang distribusyon ng lokal na pelikula sa buong taon at sa buong bansa, para masigurong patas ang kumpetisyon, at hindi nakabase sa isang “prestihiyosong one-time event.”

Banat pa nila, “Don’t guilt-trip the public’s choice. Hold the powers that be more accountable, because they dictate our choice.”

Suportado rito ang scriptwriter at “ZsaZsa Zaturnnah” graphic novel creator na si Carlo Vergara kung saan naniniwala siyang, “Even Spider-Man himself had to toe the line between responsibility and his deepest desires. Maybe it was time we learned a thing or two from him and accepted the compromises we’ve been dealt with."



Pumabor pa nga ni Chris Martinez, isang film director, sa naturang diskurso, na ang problema ay ang pagkilala ng MMFF sa sarili nito bilang “one-time yearly event to save the film industry,” na sadyang “myopic,” “short-term,” at “ugly” para sa kanya.


Mga Sanggunian: Philippine Daily Inquirer, Manila Bulletin, Interaksyon, CNN Philippines, mb.com.ph, Cine Sensual


DISCLAIMER