Panibagong specie ng dinosaur, namataan sa Chile; Kakaiba nitong buntot namumukod-tangi sa lahat
Ni Jhennisis Valdez
PHOTO: Worldwide Infromation |
Paniniwala ng mga siyentipiko na ilang daang milyong taon na ang lumipas magmula ngayon, mayroong nabubuhay na dinosaur sa ating mundo. Patunay rito ang mga fossil na kanilang nadiskubre sa iba't-ibang panig ng mundo. Samantala, nitong Nobyembre lamang ay isang ebidensya na naman ang nagpakita na totoong namuhay ang mga ito noon dito sa mundo.
Nakadiskubre ng panibagong specie ng dinosaur ang mga archeologist matapos nilang mamataan ang fossil ng 'dog-sized' dinosaur na mayroong kakaibang buntot sa Chile.
Ayon sa paleontologist ng University of Chile na si Alex Vargas, kakaiba ang buntot ng nasabing specie, diumano hindi pa ito nakikita sa ibang uri ng hayop. Tinatayang ang buntot nito ay binubuo ng pitong pares ng blade, na kung saan nakalagay sa bawat gilid ng buntot.
Naging mahirap para sa mga mananaliksik na alamin kung saang specie ito nababagay, sapagkat nung una akala nila ito ay kumakain ng halaman at may halong katangian ng ibang specie. Ngunit nang dahil sa kakaiba nitong buntot, nalaman nila kung saan ito naaayon.
Pinangalanan nila ang panibagong specie na "stegouros elengassen," sapagkat ang buntot nito at likuran ay medyo kapareho sa isang specie na kung tawagin ay stegosaurus.
Batid ni Vargas, mayroon itong 'bird-like' ng nguso at humahaba ito ng anim na talampakan. Samantala, ang laki naman nito ay hindi tataas sa hita ng tao.
Namataan ang fossil nito sa timog na bahagi ng Chile, at tinatayang nabuhay ng 72 milyong hanggang 75 milyong taong nakalilipas.
Dagdag pa ni Vargas, ang buntot nito ay nagsisilbing panangga sa mga malaking kalaban na kung saan maganda sa stegouros sapagkat napakaliit lamang nito.
"Some dinosaurs had spiked tails they could use as stabbing weapons and others had tails with clubs. The blades on the tail of the new species acted like a slicing weapon used by ancient Aztec warriors," aniya.
Matapos ang pag-aaral ni Vargas at ng kanyang grupo sa nasabing specie, masasabing hindi ito nabibilang sa specie ng stegosaurus kahit ba hawig nila ito, kung hindi nakailalim ito sa pamilya ng rare Southern Hemisphere ankylosaur.
"The lost family branch of the ankylosaur," pahabol ni Vargas.
Sa ngayon, ayon sa American Museum of Natural History, mayroon nang humigit-kumulang 1000 valid at semi-valid na specie ng dinosaur, na kung saan posibleng madagdagan pa sa pag-usad ng teknolohiya't panahon. Patunay lamang ito na totoong may namuhay na sa ating planeta bago pa man mabuhay ang kauna-unahang tao rito sa mundo.
Sanggunian ng ulat: ABC News