Ni Lynxter Gybriel L. Leaño

PHOTO: Aaron Favila/AP File Photo

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng mga Pilipino para sa ligtas na pagdiriwang ng paparating na Bagong Taon 2022 sa pamamagitan ng tamang paggamit ng mga paputok.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, nasa alintuntunin ng Executive Order (EO) 28 at Republic Act (RA) 7183 ang paghihigpit ng tamang pagbebenta, paggawa, at distribusyon ng mga paputok at iba pang pyrotechnic devices.


“The PNP expects everyone’s cooperation because it is the responsibility of every stakeholder to protect one another from any firecracker-related injury,” sabi pa ng hepe ng pulis.

Kaugnay nito, kung may makikitaan man na nagbebenta ng mga ilegal na mga paputok ay kinokonsiderang paglabag ito sa mga batas na nakasaad.

Maaaring mahatulan ang mga gumagawa at nagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok na naaayon sa tindi ng pagkasala.

Samantala, narito ang mga paputok na nakasaad sa EO 28 at RA 7183 na dapat tama ang paggamit:

• Baby Rocket
• Bawang
• El Diablo
• Judas’ Belt
• Paper Caps
• Pulling of Strings
• Sky Rocket (Kwitis)
• Small “Triangulo”
• Other types of firecrackers that are not oversized, not over weight and not imported
 
Ang mga paputok namang ito ang maaaring mabenta at magamit:

• Butterfly
• Fountain
• Jumbo Regular and Special
• Luces
• Mabuhay
• Roman Candle
• Sparklers
• Trompillo
• Whistle Device
• All kinds of pyrotechnic devices (Pailaw), and
• Other types equivalent to the foregoing pyrotechnic devices
 
Ito naman ang mga mahigpit na ipinagbabawal na paputok:

•Watusi
• Piccolo
• Poppop
• Five Star
• Pla-pla
• Lolo Thunder
• Giant Bawang
• Giant Whistle Bomb
• Atomic Bomb
• Super Lolo
• Atomic Triangle
• Goodbye Bading
• Large-size Judas Belt
• Goodbye Philippines
• Goodbye Delima
• Bin Laden
• Hello Columbia
• Mother Rockets
• Goodbye Napoles
• Coke-in-Can
• Super Yolanda
• Pillbox
• Mother Rockets
• Boga
• Kwiton
• Kabasi
• All overweight and oversized Firecrackers and pyrotechnic devices (FCPD)
• All imported finished products
• Other unlabelled locally made FCPD products
• Other types of firecrackers with other brands/names equivalent to those that are prohibited
 
Maaari namang gamitin sa labas ng mga kabahayan ang mga pyrotechnic devices o pailaw ngunit may gabay pa rin ng mga magulang kapag bata ang gagamit nito.

Pinapayagan din ng kapulisan ang mga Local Government Unit na mag-organisa ng “firework display” sa kondisyong nasusunod pa rin ang panuntunan ng health protocols at isasagawa ito sa lugar na malayo sa mga kabahayan.