Ni Irene Mae Castillo

PHOTO: SB19 Official (Facebook)

Naipanalo ng P-Pop Kings SB19 ang apat nilang nominasyon at isang special award sa nagdaang 7th Wish Music Awards (WMAs) nitong ika-30 ng Enero, 2022.

Narito ang kanilang mga nasungkit na parangal sa taong ito:

  • Pop Performance of the Year - SB19 ‘Ikako’
  • Ballad Performance of the Year - SB19 ‘Hanggang Sa Huli’
  • Pop Song of the Year - SB19 ‘What?’
  • Wish Group of the Year - SB19 
  • Wishers’ Choice - SB19

Nagbukas ang nominasyon para sa 20 kategorya noong Nobyembre 2021, kung saan maaaring iboto ang mga nominado via online voting sa Wish application o Wish website.

Sa inilabas na pahayag ng P-pop boy group sa kanilang official Facebook at Twitter account, ipinahatid nila ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa kanilang fans o “A'Tin” para sa patuloy nilang pagsuporta sa kanilang lima. Dagdag pa rito, trending pa rin sa bansa ang #SB19onWMAs kaugnay ng natapos na parangal.



Sa kabilang banda, umabot sa ₱ 2.445 milyon ang kabuuang halaga ng mga papremyo kung saan sa bawat kategorya, mag-uuwi ang mga nanalo ng ₱ 25,000 at ₱ 100,000 na ibibigay naman sa napili nilang charitable groups. Sa pangatlong magkakasunod na taon, ang Autism Society of the Philippines ang piniling benipisyaryo ng SB19. 

"Wish Music Awards is one of the most well-known awards show in the local music scene…We hope for this platform to continue and inspire more artists to work on their crafts. As artists, being able to not only share our music but also to help, is a great thing for us,” pahayag ng grupo sa isang panayam.

Samantala, ipapalabas naman ang kabuuan ng 7th WMAs sa Wish YouTube channel sa linggo, ika-anim ng Pebrero, 7 p.m. PHT.


Iniwasto ni Phylline Cristel Calubayan