Ni Alyssa Damole

PHOTO: Yahoo News

Ipinahayag ni Cabinet Secretary at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles ang paglulunsad ng pamahalaan sa "We Vax as One: Mobile Vaccination Drive" para sa mga transport workers at commuters na hindi pa nababakunahan.

Kasama ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ihahandog ang programang ito sa mga transport terminal upang mas maging accessible sa masa ang bakuna kontra COVID-19.


"Government will continue to explore different methods to make vaccines more accessible to our people... Ang programang ito ay sadyang ihahandog natin para sa mga transport workers at mga commuter," aniya sa isang press briefing nitong Biyernes, Enero 21.

500 AstraZeneca vaccine doses kada araw ang nakalaan para sa nasabing programa na isasagawa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) mula Enero 24-28, 2022 na bukas para sa walk-ins at on-site registration.

"Sa mga susunod na araw rin po ay ilulunsad ng DOTr ang vaccination sites sa mga istasyon ng tren, mga pantalan, at maging sa tollways," dagdag pa ni Nograles.