Nina Winlei Kim Castro at Kirsten Yani Villanueva

PHOTO: Fight PFC

Nag-away na ba kayong magkapatid  at nauwi sa hampasan ng unan o pillow fight? Isa na itong professional combat sport ngayon. Kakaiba, hindi ba? Tara’t alamin natin ang mundo ng Pillow Boxing.

Nagsimula ang professional pillow boxing sa imahinasyon ni Steve Williams, isang entrepreneur, matapos maisip na mayroong kakaibang epekto ang pagtama ng unan sa ulo.

"There’s just something so cathartic about getting hit in the head with a pillow," ayon kay Williams, CEO ng Pillow Fight Championships (PFC).

Simple lang ang mechanics ng pillow boxing. Tamaan mo lamang ang iyong kalaban sa ulo nang maraming beses sa loob ng tatlong 90-second rounds at tiyak na ang tagumpay sa ring.

"You don’t really need to explain [pillow fighting] to people – that’s the beauty," pagmamalaki pa ni Williams.

Maraming napapapikit sa madudugong combat sports tulad ng boksing at mixed martial arts, kaya't isa aniyang inobasyon ang pillow boxing na hindi masyadong ginagamitan ng dahas.

"There’s hardcore aggression with pillow fighting, but nobody gets hurt. A lot of people don’t want to see the blood and violence any more," dagdag pa ni Williams.

Si Williams din ang bumuo sa kauna-unahang professional pillow fighting league kasama ang pay-per-view event ng PFC na ginanap nito lamang Enero 29.

Ilan sa mga kampeon ng nasabing patimpalak sina Istela Nunes ng Brazil at Hauley Tillman ng USA.