Kakampink who? I only know Kakamping: Remulla, bumwelta sa patutsada na ‘kulang sa gawa’ si Lacson
Ni Patricia Culob
PHOTO: Jonvic Remulla (Facebook) |
Dinepensahan ni Cavite Governor Jonvic Remulla si Senator at Presidential aspirant Ping Lacson, kasunod ng pahayag ni Vice President at Presidential aspirant Leni Robredo na puro salita at "kulang sa gawa" ang senador.
Sa isang Facebook post, ipinagtanggol ni Remulla si Lacson at sinabing ito ang may pinakamalawak na karanasan sa serbisyo publiko sa lahat ng kandidato.
"To describe him as ‘all talk and no action’ is an injustice to the man who embodies ‘leadership by example’ with 50 years of public service from law enforcement, legislation and humanitarian work,” saad ni Remulla.
Ipinagmalaki rin nito ang track record ni Lacson sa loob ng 50 taon nitong pagseserbisyo sa publiko mula sa kanyang pagtatapos sa Philippine Military Academy (PMA) noong 1971.
Sa kabilang banda, pinaalalahan din ng gobernador si VP Robredo na anuman ang mangyari, huwag itong magpapadala sa galit bunsod ng eleksyon.
"The same goes to her supporters. The best way to champion your candidate or political stand is not through hate and divisiveness,” pahayag nito.
Nilinaw naman ni Remulla na hindi ito pang-eendorso at nagsalita lamang siya bilang kapwa Caviteño ni Ping Lacson.
"This post is not an endorsement… malaya ang mga registered voters na pumili kung sinong kandidato ang iboboto nila. Walang pilitan, impluwensya at lalong walang mind conditioning,” iginiit ng gobernador.