Ni Xhiela Mie Cruz

PHOTO: SONSHINE/Crosswalk

Ipinagdiinan ni Pastor Apollo Quiboloy ang pagwawagi umano ng katotohanan at hustisya nang ipagsawalang-bahala ng Makati City Prosecutor’s Office ang cyber libel complaint na isinampa sa kanya ni Senador Manny Pacquiao.

Aniya, masaya siyang ianunsyo ito lalo pa’t alam niyang wala siyang ginagawang labag sa batas o makasasama sa kanya.

“I am happy to announce the dismissal of the cyber libel case filed by Senator Manny Pacquiao against me. The resolution of the City Prosecution Office of Makati dismissing the case was dated December 22, 2021, and received by my authorized representative last January 21, 2022,” pahayag ni Quiboloy.

“Indeed, truth and justice has prevailed ,” dagdag pa nito.

Ayon naman sa counsel ni Pacquiao na si Nikki De Vega, naghain na umano sila ng motion for reconsideration subalit agad nila itong binawi upang magbigay-daan sa kaso nitong sex trafficking sa US.

“However, we are also considering withdrawing our motion so that the US government, through the Federal Bureau of Investigation (FBI), can properly facilitate the extradition and arrest of Apollo Quiboloy in relation to his sex trafficking case in the US,” ani De Vega.

“According to Senator Manny, it is more important to bring justice to the victims of heinous crimes. Maraming nasirang buhay ang kailangan bigyan ng katarungan,” saad pa niya.

Matatandaang kumalat sa telebisyon at iba’t ibang social media accounts ang pamimintang ni Quiboloy kay Pacquiao kaugnay sa paggamit umano ng pampublikong pondo na nakalaan sa Sarangani Sports Training Center.

Pinagtibay pa ni Quiboloy ang pahayag niyang ito nang magpakita ito ng pruwebang mga litrato ng mga sira-sirang bleachers.


Iwinasto ni Maverick Joe Velasco