Ni Cherry Babia


PHOTO: Screengrab from CNN Philippines

Binawi ng kandidato sa pagkapangulo at Cardiologist na si Jose Montemayor ang kanyang pag-aakusa kay Mayor Isko Moreno na tumanggap umano ito ng $15 milyon mula kay Bill Gates para sa kanyang kampanya at sinabing ang pera ay para talaga umano sa pagtatayo ng mga palikuran sa lungsod ng Maynila.


Sa isang panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC) Dateline Philippines noong Martes, sinabi ni Montemayor na ang donasyon ay isang isyu sa katiwalian laban kay Moreno habang napagtanto naman ng mga fact-checkers mula sa Facebook at YouTube na tama siya.


Nang tanungin si Montemayor kung paano siya naging tama gayong ang pera ay para sa mga sanitation programs sa Maynila, sinabi niyang opinyon lamang umano ito ng midya at hindi ng mga mamamayan sa Maynila.


"That is the opinion of the media but the opinion of the people of Manila, where are the toilets?" aniya.


"If you will look [at] other toilets constructed, eh what kind of toilets will you build when you have 15 million? For example, for the sake of argument, it is denominated in pesos, then the question is where are the toilets? The people in Manila are asking, where are the toilets?" dagdag pa niya.


Nabanggit din ito ni Montemayor sa ginawang debate ng CNN Philippines noong Linggo.


Hindi itinaas ni Moreno ang kanyang kamay nang tanungin ang siyam na kandidato sa pagkapangulo kung sasang-ayon ba sila na ibalik ang pera sa donor kung sakaling lalabis ang donasyon. Aniya, wala siyang "moral ascendancy" para sagutin ang tanong. 


Sa pagkakataong ito ay ibinato ni Montemayor ang tanong kay Moreno tungkol sa $15 milyon na pera mula kay Bill Gates.


"Eh paano naman po ‘yung 15 million dollars na ibinigay ni Bill Gates, isosoli niyo po ba iyon?" tanong nito.


"Fifteen million dollars that were donated to Mayor Isko as I read in the papers. Is that a campaign fund?… Bill Gates po, walang pesos si Bill Gates (It is Bill Gates. He has no pesos)… It’s all over the papers, 15 million dollars," saad niya pa.


Itinanggi naman ito ni Moreno at hindi umano siya nakatanggap ng $15 milyon mula kay Bill Gates para sa kanyang kampanya.


"There is no such thing as 15 million dollars. It is prohibited by law… It’s not true. I did not know where you got it," ani Moreno.


Samantala sa isinagawang interbyu sa ANC, sinabi ni Montemayor na narinig niya umano ang impormasyon sa kanyang 'sources'.


“We have to ask Isko Moreno where he got his information. He himself in one instance—well, my sources, I will not reveal at this point unless there is a court order—he said that he received 15 million from Bill Gates. He did not denominate it whether it is in dollars or in pesos,” aniya.



Iniwasto ni Kim Arnie Gesmundo