Ni Xhiela Mie Cruz

PHOTO: Bongbong Marcos

Pinabulaanan ni Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga kumakalat umanong pekeng balita tungkol sa tax payment issue ng kanilang pamilya sa kabila ng desisyon ng 1997 Supreme Court na dapat nilang ayusin ang kanilang alegasyong kaugnay rito.

Sa Kapihan Sa Manila Bay media forum, nabanggit ni Marcos na marami na siyang balitang kinaharap na wala namang katotohanan.

Matatandaang kalat-kalat ang unpaid tax liabilities ng pamilyang Marcos na ₱203 billion noong nakaraang taon subalit walang kahit anong personal na pahayag na inilabas ang mga ito at ipinaubaya na lamang ito sa kanilang mga abogado.

“The so-called facts that they call are not facts at all. They’re just presumptions,” ani Marcos.

“Well, there’s a lot of fake news involved there. Let’s leave it to the lawyers to discuss it,” sagot naman niya nang tanungin tungkol sa kanilang tax issue.

Aniya, hindi umano siya masyadong nangingialam pagdating sa mga ganoong klase ng isyu ng kanyang pamilya at sumusunod lamang siya sa desisyon ng Korte Suprema.

Dagdag pa rito, nagpakita ng sulat na dapat galing Bureau of Internal Revenue (BIR) ang partidong Aksyon Demokratiko, partido kung saan kabilang si Manila Mayor Isko Moreno.

“We have received a copy of a letter of Commissioner (Caesar) Dulay ng BIR na sinulatan sila noong December 2, 2021, na sinisingil na ng buwis ang pamilya Marcos sapagkat ito raw ay marapat lang na mapunta sa gobyerno. If that is the case, this is a very good asset, malaking pera ito, ₱200 billion na pwede nating ipang-ayuda sa tao,” saad ni Moreno sa ambush interview habang nangangampanya ito sa Silay City, Negros Occidental.


Iwinasto ni: Phylline Calubayan