Creamline Smashers, winalis ang High Speed Hitters sa Day 2
Ni Hynna Marice Gonzales
PHOTO: Tiebreaker Times |
Malinis na sinuyod ng Creamline Cool Smashers ang buong serye ng laro matapos dominahin ang PLDT High Speed Hitters, 25-16,25-18, 25-12, 25-22 sa 2022 PVL Open Conference sa Paco Arena, Huwebes, ika-17 ng Marso.
Hindi nagpaawat sa mainit na panahon ang Creamline Smashers matapos magsanib pwersa sina Tots Carlos na kumamada ng 16 puntos, 13 attacks, 2 blocks at ace gayundin din ang Star Player Alyssa Valdez na umukit ng 11 puntos at 13 markers.
Ngunit sa pagdating ng ikatlong set ay naging mabagal ang laro matapos ang sunod-sunod na errors. Gayunpaman, tuloy ang kampanya ng High Speed Hitters matapos humabol sa pagkakaantala, 11-3 lead na nagbigay daan para habulin ito, 21-22.
"We still had to train, during the 3rd set, bandang dulo medyo bumagal ang laro at maraming na-commit na errors" ani Carlos sa kaniyang interview.
Hindi naman umobra ang pagtataka nina Dell Palomata na umiskor ng 9-puntos at Mika Reyes 4-puntos ng High Speed Hitters, matapos patikimin nina Creamline Smashers Jema Galanza na gumawa ng 10 puntos at Jia-Moredo- De Guzman na bumuo ng 23 excellent sets.
Sa huli, isang outside shot at errors mula kay High Speed Hitters Tony Rose Basas ang nagbigay daan para iuwi ng Creamline ang unang kampeonato.
"Naging maganda naman yong resulta nang pagkakatrainining namin sa bubble" ani Creamline Head Coach Sherwin Meneses.
Aabangan muli ang Creamline Smashers kontra sa BaliPure sa darating na Lunes, ika-21 ng Marso, 6:00 PM kasabay ng PLDT High Speed Hitters laban naman sa Petro Gazz, 3:00 PM.
Iniwasto ni Kyla Balatbat