Main Rapper Behavior? : Robredo kumasa vs. 90-second COVID-19 response question ng CNN PH
Ni Patricia Culob
PHOTO: The Varsitarian |
“Where were you in the days, weeks, months after the March 16, 2020 lockdown?”
Tinanggap ni Robredo ang hamon ng CNN PH na sagutin ang tanong na ito upang ipaalala sa publiko ang mga aksyong inilunsad ng kanyang opisina bilang pandemic response sa nakaraang dalawang taon.
Sa isang Presidential Debate na pinangunahan ng CNN PH, mapapansin ang bilis ng pagsasalita ni VP Robredo upang ihayag ang kanilang mga inilatag na proyekto sa loob ng 90 segundo.
Kabilang sa kanyang mga nabanggit ang: pakikipagtulungan sa medical experts para sa information dissemination, libreng PPE sets, local production of PPE sets, shuttle busses, dormitories para sa frontliners, community marts, E-skwela at learning hubs, vaccination hubs, swab test hubs, hanapbuhay para sa mga nawalan ng trabaho, at paglalagay ng teams sa Cebu at Palawan upang makatulong sa lokalidad.
Umani ito ng reaksyon mula social media sites kung saan binansagan din ng netizens ang bise presidente na Leni "Minaj" Robredo; bilang pagkukumpara kay Nicki Minaj, isang tanyag na global hip-hop artist.
Kaugnay nito, nang tanungin naman kung sino ang ia-appoint niyang Department of Health (DOH) Secretary, aniya, mayroon na siyang naiisip ilagay sa pwesto kung sakaling mananalo siya bilang presidente.
Bagamat hindi niya ito pinangalanan, binigyang diin ni Robredo na kailangan ng Pilipinas ng DOH chief na eksperto at respetado ng sektor pangkalusugan.
"During the pandemic, nakita natin ang halaga ng leadership sa DOH. Ang kahalagahan po ng leadership na ‘to overextends hindi lang iyong kaalaman sa health pero iyong kahandaan na sumabak sa ground," hayag ng bise presidente.
Pagpapatuloy pa ni Robredo, bilang pangulo, handa rin umano siyang sumabak sa harapan ng bawat daraanang krisis ng bansa.
"Ako po, bilang presidente, in every crisis, ako mismo ‘yung mangunguna. Nakita po natin during the pandemic na kailangan natin ng isang pangulo na talagang nagli-lead from the front. Hindi po puwede ito na naghihintay lang ako ng report,” saad ni Robredo.
Malinaw itong patutsada kay Pangulo Rodrigo Duterte at kanyang naging tugon sa COVID-19, lalo na't kilalang kritiko ng pandemic response ni Duterte si Robredo.
Matatandaang nagpahayag ng dismaya noong Setyempre 2021 ukol sa nasabing isyu ang bise presidente, kung saan nakiusap itong hayaan na lang siya tumulong sa pandemic response ng bansa.