Ni Cherry Babia

PHOTO: Sandro Marcos IG

Inihayag ni Presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. na kwalipikadong-kwalipikado ang panganay na anak nitong si Sandro na tumakbo sa House of Representatives.

Ayon kay Marcos sa isang pahayag na inilabas sa tanggapan ni House Majority Leader Martin Romualdez, marami na umanong natutuhan ang anak nito at kung matuloy na congressman, kwalipikado na ito.

"Marami na siyang natutunan, sabi ko nga kung matuloy kang congressman very qualified ka na. Mas qualified ka doon sa mga ibang bagong pasok na walang pinagdaanan na ganyan," saad nito.

Gayunpaman, ayon kay Romualdez, kwalipikado ang anak ni Marcos at akma para dito ang trabaho.

"Sandro Marcos is very much qualified and ready for the congressional job that he is aiming for. He has been trained and was very familiar with the legislative process and its nitty-gritty," aniya.

Inihayag naman ni Sandro ang kanyang pasasalamat kay Romualdez sa pagsasanay nito sa kanya sa mga proseso ng pambatasan.

Samantala, matatandaang inanunsyo ni Ferdinand Alexander "Sandro" Marcos noong Setyembre 14 ang kanyang kandidatura para sa papalapit na halalan bilang unang district representative ng Ilocos Norte.


Iwinasto ni: Phylline Calubayan