'PICASSO IS BACK!': Nawawalang Picasso painting, muling namataan umano sa bahay ng mga Marcos
Ni Alyssa Damole
PHOTO: ABS-CBN |
Kinalampag ni dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairperson Andres D. Bautista ang nasabing ahensya matapos muling makita ang posibleng isa sa mga nawawalang obra ng pintor na si Pablo Picasso sa bahay ng mga Marcos sa isang ulat ng ABS-CBN News.
"PCGG, the Picasso is back! Please seize it for the Filipino people while you still can," aniya sa caption ng kanyang tweet nitong ika-12 ng Mayo, 2022.
Kaniya ring nabanggit sa bukod na post na matatandaang namataan din ang painting ng Femme Couche VI (Reclining Woman VI) sa dokumentaryong "The Kingmaker", na siyang binigyang-diin din ni Lauren Greenfield, direktor ng nasabing dokumentaryo.
Naging tampulan ito ng atensyon ng mga netizen kahit na hindi pa kumpirmado kung ito nga ba ang orihinal na obra o isang replika lamang.
"Isn't that a Picasso painting at Imelda's living room? The painting that once "vanished" when gov't agents tried to seize them but was captured in #TheKingmaker hanging in her living room?" tanong ng netizen na si @EliasSimoun sa isang tweet.
Isn’t that a Picasso painting at Imelda’s living room? The painting that once “vanished” when govt agents tried to seize them but was captured in #TheKingmaker hanging in her living room? @lgreen66 pic.twitter.com/ZeLbyFSjVi
— #HindiMagnanakaw (@EliasSimoun) May 11, 2022
Isa sa walong paintings na pinaniniwalaang nabili ng mga Marcos gamit ang "ill-gotten wealth" ang Reclining Woman VI, na una nang pinaimbestigahan ng Sandiganbayan noong 2014.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang kampo ng mga Marcos hinggil sa umano‘y nawawalang Picasso painting.
Iniwasto ni: Kyla Balatbat