Asian 9-Ball: James Aranas, tuloy sa Semifinals; Bongay pinataob
Ni Leira Frane
James Aranas pasok sa semi-finals ng APF Asian 9-Ball Open sa Singapore matapos talunin ang kababayang si James Bongay nitong Sabado, Agosto 27.
Nakuha ni Aranas ang sunod-sunod na walong puntos na nagbigay ng 8-0 lead sa kanilang race-to-11 battle. Hindi man naipasok ni Aranas ang 5th ball sa rack 9, bumawi naman ito at naging matagumpay sa pagkuha ng tempo ng laro at tapusin ang nasimulang paglupig sa kababayan.
Bigong tumuloy sa rack no.10 ang swerte ni Bongay ng mabigo siyang makapagpapasok ng kahit anumang bola sa corner pocket.
Isinarado ni Aranas ang laban sa 11-2 matapos makuha nito ang huling rack. Si Aranas din ang pangalawang Pilipinong aarangkada sa semi-finals ng nasabing patimpalak.
Nakagawa ng five breaking rounds si Aranas nang hindi nakuha ni Bongay ang 1st ball-rack no. 1, 5th ball-rack. no. 2, 6th ball-rack no.6, 2nd ball-rack no. 8, at 1st ball-rack no. 10.
“I have known him since I was young. We came from the same hometown and he is a good person. I played comfortably with him because like I said we played a lot before,” ani niya.
Matatandaan nitong Pebrero na pinagbawalan si Aranas na pumunta sa bansang US sa loob ng limang taon dahil umanong gumamit ito ng tourist VISA sa pakikilahok sa torneyo ng billiards.
Gayunpaman, hindi rito natatapos ang karera ni Aranas sa paglalaro ng billiards nang matatakan niya ng kanyang pangalan ang APF Asian 9-Ball sa Singapore nang makamit nito ang sunod-sunod na pagkapanalo na umabot hanggang quarterfinals.
Dagdag pa niya, “ I have no choice because right now I can’t go back to the US so I am starting to play all the Asian tournaments for this year.”
Dadalhin muli ni Aranas ang bandera ng Pilipinas bukas, Linggo, Agosto 28 para sa semi finals kung saan makakatapat niya si Naoyuki Oi ng Japan.