Blue Eagles hiniya ang UPH, dinagit ang 86-puntos dominasyon sa WUBS opener
Ni Patrick Pasta
Sinalpak ng Ateneo Blue Eagles-Pilipinas ang 86-puntos bentahe kontra Universitas Pelita Harapan Eagles ng Indonesia, 125-39, upang at siguruhin ang unang tagumpay sa pagbubukas ng World University Basketball Series sa Yoyogi National Stadium Second Gymnasium sa Tokyo, Japan, Martes.
Malaking dagok sa kartada ng UPH Eagles ang pagkagapi sapagkat tangan nila ang mahusay na rekord ng pagkakaroon ng limang kampyeonato sa Liga Mahasiswa, katumbas ng UAAP sa Indonesia.
Samantala, matatandaang ginimbal ng UP Fighting Maroons ang Ateneo Blue Eagles sa nakaraang UAAP Season 84 Men's Basketball Championships, kaya tanging Ateneo lamang ang koponan sa WUBS na walang defending champion title mula sa anumang mga liga.
Hindi pansin sa laro ang pagkawala ni Ange Kouame, na nagpapagaling pa ng injury, at ni Dave Ildefonso bunsod ng pamumuno ng mga bagong salta sa koponan na sina Paul Garcia, Kai Ballungay, Inand Fornillos, at Nigerian student-athlete Joseph Obasa.
Natikman ng Indonesia ang maikling 2-0 lead sa panimula ng laro subalit agad itong napawi sa pag-arangkada ng solidong depensa ni Geo Chiu kaagapay ng opensa nina Forthsky Padrigao at Ballungay dahilan upang maitarak ang 12-4 iskor.
Lumikom ng 16-2 run ang Blue Eagles upang tuldukan ang unang yugto, 28-6, hanggang sa patuloy na pamagain ang lamáng upang maiposte ang 56-13 halftime score, kung saan ang 11 mula sa 13 na iskor ng UPH ay nagmula lamang sa mga freethrow.
Inilista ni Darryl Sebastian ng UPH ang unang tres ng kanilang koponan sa panimula ng ikatlong yugto, 56-16, subalit hindi ito sapat upang mabuhay ang kanilang opensa.
Tinapatan naman ito ng mga tres nina Chris Koon at BJ Andrade at ng pulidong pag-iskor nina Josh Lazaro, JC Fetalvero at Garcia ng Ateneo dahilan upang muling maangkin ang third quarter sa 67-point advantage, 90-23.
Sinubukan pang umiskor nina Sebastian at Mario Davidson ng UPH subalit malaki na ang pagitan ng dalawang koponan matapos ipagpatuloy ng Blue Eagles ang nasimulan nilang play execution at pressure upang maselyuhan ang laro, 125-39.
Pinangunahan ni Garcia ang Ateneo matapos lumista ng 17 puntos na sinundan ni Ballungay na sumikwat ng 15, at nina Koon at Padrigao na lumikom ng tig-14 na puntos.
Sa kabilang banda, inakay ni Davidson ang UPH tangan ang siyam na puntos, habang rumesbak si Sebastian na pumoste ng walo, at si Andrew Lensun na lumikon ng pitong puntos.
Uusad sa kasunod na tunggalian ang Ateneo Blue Eagles-Pilipinas kontra sa National Chengchi University mula sa Taiwan bukas, Miyerkules, sa ganap na 6:35pm.
Sinalpak ng Ateneo Blue Eagles-Pilipinas ang 86-puntos bentahe kontra Universitas Pelita Harapan Eagles ng Indonesia, 125-39, upang at siguruhin ang unang tagumpay sa pagbubukas ng World University Basketball Series sa Yoyogi National Stadium Second Gymnasium sa Tokyo, Japan, Martes.
Photo Courtesy of Din Eugenio |