Pilipinas pinataob ang Iran; Apat na taong sumpa sa AVC Pool Bracket, tinuldukan
Ni Cyrus Jacinto
Pinutol ng Philippine Women’s Volleyball Team ang apat na taong pananahimik ng bansa sa Pool Bracket ng AVC Cup for Women, matapos paluhurin ang Iranian Spikers, 25-19, 25-22, 20-25, 25-14, sa PhilSports Arena, nitong Miyerkules.

Sumandal ang Pilipinas sa 21 big points ni Jema Galanza nang magpalasap ito ng 20 attacks at 1 block, habang umagapay naman sa pagkapanalo ng bansa ang pinagsamang pwersa ng 23 points nina Tots Carlos at Michele Gumabao.
Mula sa pag-kambiyo ng Iranian Natives sa gitgitang 3rd set, binulabog ng Pilipinas ang floor defense nito sa ika-apat na kanto, matapos igarahe ang 17 attacks at 4 blocks, sapat upang ibalaho ang kanilang puntos at tuluyang itakas ang laro.
”We play with no pressure but with pride for the Philippines… ilalaban namin ito hanggang sa dulo," wika ni Gumabao matapos ang laban.
Bitbit ang mainit na tagpo mula sa 1st set, bumwelo ang Iran matapos mauna sa 2nd technical timeout ng ikalawang yugto tangan ang bentahe, 16-14.
Samantala, nagising ang spikers na sina Galanza at Gumabao nang paikutin nila ang manibela ng laro at dalhin ang kalamangan sa kanilang daan, 24-22, habang ginulat naman ni Carlos ang lahat matapos ilatag ang isang solid block bilang panapos ng 2nd set.
Sinamantala ng Philippine Team ang natutulog na depensa ng Iran sa huling bahagi ng Set 4, hanggang sa naging epektibo ang kanilang pag-opensa na siyang naging daan upang maisakatuparan ang pagpapatikim ng sariling hapdi ng pagkatalo, matapos maungusan ng Iran ang Pilipinas noong 2018.
Matatandaang taong 2018 din ang huling taong pagkabig ng bansa sa Pool Bracket win nang pataubin ang Kazakhstan, sa nasabing torneyo, 3-1.
“We just have to adjust in game…… yung mga lapses namin today kailangan namin mabago.”, pahayag Gumabao tungkol sa kanilang paghahandang gagawin sa kasadong laban kontra South Korea, bukas.