Ni Cherry Babia

Inihayag ng isang senador ang mas malaking posibilidad ng pagpasa ng anti-turncoat bill sa Kongreso, kumpara sa pag apruba ng panukalang batas na pipigil sa political dynasty.

Photo Courtesy by Philippine Star / Rappler

Ayon kay Senador Minority Leader Koko Pimentel, mas makakasulot umano ang nasabing bill kumpara sa mga nakabinbin na anti-dynasty bills sapagkat ito ay siguradong tututulan ng miyembro ng political dynasties. 

“So imbis na, let us say anti-political dynasty law na alam na natin na io-oppose ng lahat ng members ng dynasty dyan sa lawmaking body eh pwede anang, mas may pag-asa itong anti-political turncoatism,” saad nito.

Iginiit din ni Pimentel na isang malaking problema ang political turncoatism sapagkat may iilan sa mga tumatakbong politiko ang hindi alam ang isinusulong ng nasabing grupo at basta na lang sumasali dahil sa impluwensya nito sa publiko.

“Pero you know, ang reform kasi, ang pagreporma sa lipunan lalo na sa – gawin na lang natin itong evolution hindi revolution. Evolution, ibig sabihin noon, dahan-dahan kung ano yung kaya natin gawin kunin na natin,” aniya.

“We should try our best … Mas may pag-asa ang makalusot yan kaysa sa mga, yung mga political dynasty law,” dagdag ni Pimentel. 

Minungkahi ni dating presidente at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagkilala sa turncoats bilang “deemed to have forfeited their elective office” kung magbabago ng political party ang isang politiko, isang taon bago o matapos ang kahit anong eleksyon.

Ayon kay Jean Franco ng University of the Philippines, isang political analyst, kinakailangan daw umano na magtagal sa isang party ang isang politiko upang maipakita ang loyalty rito. 

“Bakit one year lang?… Dapat three years kasi ang electoral cycle three years, eh papaano mo naman maano yung loyalty mo kung hindi naman uminit yung upuam mo roon sa partido na ‘yon? Dapat at least 3 years ka na member ng party bago ka tumakbo under that party,” giit niya. 


Iniwasto ni Kim Arnie Gesmundo