Ni Raymond Carl Gato

Noong ika-10 ng Oktubre 2022, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Republic Act (RA) No. 11934 o mas kilala bilang SIM (subscriber identity module) Card Registration Act na naglalayong pigilan ang mga kaso ng text scams na patuloy na natatanggap ng maraming Pilipino. Sa bisa ng batas na ito, kailangang iparehistro ng mga Pilipino ang kanilang pagkakakilanlan sa Public Telecommunications Entity (PTE) bago magamit ang SIM card.


Batay sa RA 7925, inilarawan ang PTEs bilang “any person, firm, partnership or corporation, government or private, engaged in the provision of telecommunications services to the public for compensation.” Sa madaling salita, ito ang mga kompanyang nagbibigay sa atin ng kakayahang makipag-usap kahit sa mga taong nasa malayo. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Globe at Smart.

Simula ika-27 ng Disyembre ay magkakaroon ng 180 araw ang subscribers upang magparehistro ng SIM cards, ngunit maaari pa itong ma-extend ng hanggang dagdag na 120 araw. Ang hindi pagsunod sa nasabing batas ay nagdudulot ng pagka-deactivate ng gamit na SIM card.

Pagpaparehistro ng SIM card

Ayon sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng National Telecommunications Company (NTC), ang registration ay isasagawa sa pamamagitan ng electronic platforms na ibibigay ng PTE ng SIM card; ito ay maaaring sa pamamagitan ng kanilang website o application. Kailangan ng mga subscribers magpakita ng anumang valid government-issued ID na nagtataglay ng kanilang larawan. Hihingin din ang kanilang live selfie bilang proof of life, buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, lugar ng tirahan, uri ng ID na ipinakita at ang numero nito.

Lahat ng uri ng prepaid at postpaid SIM cards ay kailangang iparehistro sa PTEs, kasama pati ang mga embedded SIMs o eSIMs na hindi natatanggal sa mobile device ng subscriber. Dagdag pa rito, lahat ng existing SIM cards ay babalik sa ‘deactivated mode’  hangga’t hindi pa ito naipaparehistro. 

Kung ang subscriber ay isang menor-de-edad, ang pangalan ng magulang/legal guardian ang dapat gamitin sa pagpaparehistro. Kaakibat nito ang government-issued ID at consent ng magulang/legal guardian ng pagpapatala ng SIM ng bata. 

Sa mga foreign nationals na nais magparehistro, kailangan nilang ipasa ang kanilang buong pangalan, nasyonalidad, kaarawan, passport, address sa Pilipinas, uri ng travel o admission document na ipinakita, at ID number o number ng dokumentong ipinakita. Ang SIM ng mga foreigners na mula sa isang Filipino telco company ay magtatagal lamang ng 30 days, at magde-deactivate agad pagkatapos ng expiration date nito. Sa kabilang banda, ang mga foreign nationals na may ibang uri ng VISA ay exempted mula sa 30-araw na limit ng SIM.

Kung ikaw ay isang prepaid SIM user, kailangan magparehistro sa ibinigay na electronic platform ng telco provider. Ngunit para sa postpaid users, mayroon nang data ninyo ang telco provider at kailangan na lamang ang kumpirmasyon sa parehong registration website o application.

Ang SIMs na ipaparehistro ng mga negosyo o organisasyon ay kailangang may kasamang mga detalye tungkol sa pangalan at address ng negosyo, at address ng authorized signatory person.

Pagpaparehistro ng Globe Prepaid SIM 


1. Pumunta sa SIM registration website ng Globe.
2. Itala ang iyong 10-digit mobile number at i-click ang “Register” button.
3. Kung eligible nang magparehistro, makatatanggap ka ng text message na One-Time Pin (OTP) sa iyong mobile phone.
4. Itala ang 6-digit na OTP sa registration website. Tandaan na mage-expire ang OTP sa loob ng limang minuto.
5. Matapos ma-validate ng iyong OTP, maaari ka nang tumungo sa registration.
6. Itala ang iyong buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, lugar ng tirahan, at nasyonalidad.
7. Kuhaan ng selfie ang sarili at pumili ng valid government-issued ID na iu-upload, pagkatapos ay i-click ang “attach” button upang maipasa na ang iyong government ID.
8. Basahin nang mabuti at markahan ang checkbox upang sumang-ayon sa Privacy Notice, Attestation of Completeness and Accuracy, Marketing and Promotional Permissioning, at Data Sharing ng Globe.
9. Pindutin ang “submit” button upang tapusin ang transaksyon.
10. Matapos magparehistro, may lalabas na reference number sa iyong screen na nagpapahiwatig ng pagkumpleto ng SIM registration. Itago lamang ito dahil ang reference number na ito ang nagsisilbing patunay ng pagpaparehistro.

Pagpaparehistro ng Globe Postpaid SIM

Lahat ng existing users ay rehistrado na sa Globe, gamit-gamit ang mga naikolektang detalye nito noong nag-avail ng postpaid sim. Subalit, kokontakin daw muli ng Globe ang mga user kung sakaling kakailanganin pa ng karagdagang impormasyon alinsunod sa batas.

Pagpaparehistro ng Globe at Home Prepaid WiFi

Para sa new users:

1. Pumunta sa SIM registration website ng Globe gamit ang aktibong WiFi connection.
2. I-set up ang iyong modem batay sa instruction manual.
a. Kumonekta sa power adaptor ng modem.
b. Buksan ang iyong Globe at Home Prepaid WiFi device.
3. Itala ang Globe at Home Prepaid WiFi mobile number at pindutin ang “register” button.
4. Kung eligible na magparehistro, makakatanggap ka ng text message na One-Time Pin (OTP) sa iyong modem inbox.
5. I-access ang modem inbox batay sa instruction manual.
    a.Kumonekta sa network na kapareho ng SSID at password sa likod ng device.
    b. Magbukas ng bagong browser window o tab at i-type ang http://192.168.254.254/ sa browser upang ma-access ang modem dashboard.
    c. Pindutin ang “log-in” button.
    d. Mag-log in gamit ang username at password sa likod ng modem.
    e. Pindutin ang “device” button sa kaliwang bahagi upang makita ang OTP message. Dapat ay may sapat na espasyo ang inbox upang makatanggap ng OTP. Huwag kalimutan ang iyong natanggap na OTP message.
6. Dumiskonekta sa iyong Globe at Home Prepaid WiFi at kumonekta sa iyong working internet connection.
7. Bumalik sa portal page at itala ang nakuhang OTP message. Tandaan na mage-expire ito sa loob ng limang minuto.
8. Matapos ma-validate ng iyong OTP, maaari ka nang tumungo sa registration.
9. Itala ang iyong buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, lugar ng tirahan, at nasyonalidad.
10. Kuhaan ng selfie ang sarili at pumili ng valid government-issued ID na iu-upload, pagkatapos ay i-click ang “attach” button upang maipasa na ang iyong government ID.
11. Basahin nang mabuti at markahan ang checkbox upang sumang-ayon sa Privacy Notice, Attestation of Completeness and Accuracy, Marketing and Promotional Permissioning, at Data Sharing ng Globe.
12. Pindutin ang “submit” button upang tapusin ang transaksyon.
13. Matapos magparehistro, may lalabas na reference number sa iyong screen na nagpapahiwatig ng pag-kumpleto ng SIM registration. Itago lamang ito dahil ang reference number na ito ang nagsisilbing patunay ng pagpaparehistro.
14. Makakatanggap ka ng mensahe sa iyong modem inbox na nagpapatunay na successful ang pagpaparehistro.

Para sa existing users:

1. Kumonekta sa iyong Globe at Home Prepaid WiFi. Siguraduhing naka-subscribe sa internet promo.
2. Pumunta sa SIM Registration website ng Globe.
3. Itala ang Globe at Home Prepaid WiFi mobile number at pindutin ang “register” button.
4. Kung eligible na magparehistro, makakatanggap ka ng text message na One-Time Pin (OTP) sa iyong modem inbox.
5. I-access ang modem inbox batay sa instruction manual.
    a. Kumonekta sa network na kapareho ng SSID at password sa likod ng device.
    b. Magbukas ng bagong browser window o tab at i-type ang http://192.168.254.254/ sa c. browser upang ma-access ang modem dashboard.
    d. Pindutin ang “log-in” button.
    e. Mag-log in gamit ang username at password sa likod ng modem.
    f. Pindutin ang “device” button sa kaliwang bahagi upang makita ang OTP message. Dapat ay may sapat na espasyo ang inbox upang makatanggap ng OTP. Huwag kalimutan ang iyong natanggap na OTP message.
6. Bumalik sa portal page at itala ang nakuhang OTP message. Tandaan na mage-expire ito sa loob ng limang minuto.
7. Matapos ma-validate ng iyong OTP, maaari ka nang tumungo sa registration.
8. Itala ang iyong buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, lugar ng tirahan, at nasyonalidad.
9. Kuhaan ng selfie ang sarili at pumili ng valid government-issued ID na iu-upload, pagkatapos ay i-click ang “attach” button upang maipasa na ang iyong government ID.
10. Basahin nang mabuti at markahan ang checkbox upang sumang-ayon sa Privacy Notice, Attestation of Completeness and Accuracy, Marketing and Promotional Permissioning, at Data Sharing ng Globe.
11. Pindutin ang “submit” button upang tapusin ang transaksyon.
12. Matapos magparehistro, may lalabas na reference number sa iyong screen na nagpapahiwatig ng pag-kumpleto ng SIM registration. Itago lamang ito dahil ang reference number na ito ang nagsisilbing patunay ng pagpaparehistro.
13. Makakatanggap ka ng mensahe sa iyong modem inbox na nagpapatunay na successful ang pagpaparehistro.


Pagpaparehistro ng Globe MyFi (Mobile WiFi)

Para sa new users:

1. I-set up ang Globe MyFi batay sa instruction manual.
2. Ikonekta ang mobile phone sa Globe MyFi.
3. I-access ang device batay sa instruction manual.
    a. Magbukas ng new browser window or tab at i-enter ang http://192.168.8.1/ sa browser tab upang magkaroon ng access sa MyFi dashboard.
    b. Mag-log in gamit ang username at password na nakalagay sa user manual.
    c. Pindutin ang “SMS” button upang makita ang iyong mga messages.
4. Sa MyFi inbox, may matatanggap kang welcome message na may kasamang link sa SIM registration website. Bisitahin ang link na ito at siguraduhing may active internet connection upang makapagsimula na ng pagpaparehistro.
5. Itala ang iyong MyFi number at pindutin ang “register” button.
6. Makakatanggap ka ng One Time Pin OTP text message sa iyong device inbox. Siguraduhing nakakonekta sa iyong MyFi device.
7. Itala ang 6-digit na OTP sa registration website. Tandaan na mage-expire ang OTP sa loob ng limang minuto.
8. Matapos ma-validate ng iyong OTP, maaari ka nang tumungo sa registration.
9. Itala ang iyong buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, lugar ng tirahan, at nasyonalidad.
10. Kuhaan ng selfie ang sarili at pumili ng valid government-issued ID na iu-upload, pagkatapos ay i-click ang “attach” button upang maipasa na ang iyong government ID.
11. Basahin nang mabuti at markahan ang checkbox upang sumang-ayon sa Privacy Notice, Attestation of Completeness and Accuracy, Marketing and Promotional Permissioning, at Data Sharing ng Globe.
12. Pindutin ang “submit” button upang tapusin ang transaksyon.
13. Matapos magparehistro, may lalabas na reference number sa iyong screen na nagpapahiwatig ng pag-kumpleto ng SIM registration. Itago lamang ito dahil ang reference number na ito ang nagsisilbing patunay ng pagpaparehistro.

Para sa mga existing users:

1. Ikonekta ang mobile phone sa iyong MyFi device.
2. I-access ang device inbox batay sa instruction manual.
    a. Magbukas ng new browser window or tab at i-enter ang http://192.168.8.1/ sa browser tab upang magkaroon ng access sa MyFi dashboard.
    b. Mag-log in gamit ang username at password na nakalagay sa user manual.
    c. Pindutin ang “device” button sa kaliwang bahagi ng screen upang makita ang mga messages. Siguraduhing may sapat na space ang inbox upang makatanggap ito ng mga messages.
3. Sa MyFi inbox, may matatanggap kang welcome message na may kasamang link sa SIM registration website. Bisitahin ang link na ito at siguraduhing may active internet connection upang makapagsimula na ng pagpaparehistro.
4. Itala ang iyong MyFi number at pindutin ang “register” button.
5. Makakatanggap ka ng One Time Pin OTP text message sa iyong device inbox. Siguraduhing nakakonekta sa iyong MyFi device.
6. Itala ang 6-digit na OTP sa registration website. Tandaan na mage-expire ang OTP sa loob ng limang minuto.
7. Matapos ma-validate ng iyong OTP, maaari ka nang tumungo sa registration.
8. Itala ang iyong buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, lugar ng tirahan, at nasyonalidad.
9. Kuhaan ng selfie ang sarili at pumili ng valid government-issued ID na iu-upload, pagkatapos ay i-click ang “attach” button upang maipasa na ang iyong government ID.
10. Basahin nang mabuti at markahan ang checkbox upang sumang-ayon sa Privacy Notice, Attestation of Completeness and Accuracy, Marketing and Promotional Permissioning, at Data Sharing ng Globe.

Pagpaparehistro ng Smart at TNT SIM Card


Para sa prepaid SIM users:

1. Ihanda ang mga detalye ng buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, lugar ng tirahan, ID at numero nito.
2. Kumuha ng selfie bilang liveness check.
3. Tumungo sa kanilang SIM registration website https://smart.com.ph/simreg

Para sa postpaid SIM users:

1. Ino-notify ng Smart ang mga postpaid SIM users at hihingi ng confirmation. Ang kanilang mga personal na detalyeng ibinigay nang mag-subscribe sa Smart service/s ay sapat na.

Pagpaparehistro ng DITO SIM Card

Website link: dito.ph

1. Para sa mga new users, tumungo sa link na lalabas matapos i-insert ang SIM card sa iyong device. Dito application naman ang gagamitin ng mga existing users upang makapagparehistro.

2. Ihanda ang buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, lugar ng tirahan, valid government-issued ID.

Paano kung wala kaming signal?

Ang Department of Information and Communications Technology (DICT), National Telecommunications Commission (NTC), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), at ang mga telco companies, ay ang mag-aasikaso ng pagpaparehistro ng mga kababayan nating naninirahan sa mga lugar na mahina ang internet connectivity.

Paano kung ninakaw ang phone na may nilalamang registered SIM?

Makipag-ugnayan sa telco provider ng SIM card upang ma-deactivate ito hanggang sa mabigyan ng bagong SIM ang subscriber sa loob ng 24 na oras.

Parusa sa mga gagawa ng krimen kaugnay ng SIM card registration

Mahaharap sa parusang anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong at P300,000 na multa ang mga taong magtatangkang magbigay ng pekeng IDs, mangopya at magbenta ng ninakaw na registered SIM cards.

Ligtas ba ang aming mga impormasyon?

Nilinaw ni Senador Grace Poe, ang head ng senate committee on public services at sponsor ng SIM Card Registration Act, na hindi isasapubliko ang mga datos na nakalap mula sa mga nagparehistro maliban kung kailanganin ito ng batas para sa imbestigasyon.

“Any information obtained in SIM registration will be treated as confidential and cannot be disclosed, except in compliance with any law authorizing such disclosure or in adherence to a court order or legal process upon finding of probable cause,” ayon kay Poe.

Ang mga telco provider, kasama ang agents at empleyado, na magle-leak ng mga detalye ng mga users ay magbabayad ng P500,000 - P4 milyon na multa. Hindi rin maaaring tanggihan ng mga telcos ang pagpaparehistro ng isang tao nang walang dahilan. Ang paglabag sa nasabi ay magdudulot ng multa na P100,000 hanggang P1 milyon.