Lance Arevada

Nagpasya ang grupong Manibela at PISTON na wawakasan na nila ang kanilang plinanong isang linggong tigil-pasada matapos makipagpulong ngayong gabi sa mga opisyal sa Malacañang.


Photo Courtesy to One News PH/ABS-CBN News

Nakipagdialogo sina Manibela Transport Group Chairman Mar Valbuena at PISTON President Mody Florada kina Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil at Office of Executive Secretary USec. Roy Cervantes kung saan kanilang idinulog ang ipinaglalaban ng kanilang hanay.

"Upang masimulan ang diskurso, nagdesisyon ang aming grupo na ihinto ang transport strike kasama ang PISTON at magbalik-pasada na simula bukas," pahayag ni Valbuena.

"Nais naming humingi ng paumanhin sa ating mga mananakay sa naisagawang transport strike ng aming grupo upang mabigyan ng boses ang aming mga hinaing. Nagpapasalamat po kami sa inyong pangunawa."

Pahayag naman ng Palasyo hinggil sa pagwawakas ng tigil-pasada, "Sa huli, iisa lamang ang layunin ng gobyerno at ng ating sektor ng pampublikong transportasyon—ang magbigay ng maayos, maginhawa, ligtas, at episyenteng serbisyo sa bawat pasahero."