FIDE World Chess Championships: Ju pinisak si Lei sa G12, napanatili ang titulo
Bryan Roy Raagas
Napanatili ni Ju Wenjun ang kanyang pagre-reyna sa mundo ng chess, matapos pasukuin si Lei Tingjie sa kritikal na Game 12 ng 2023 FIDE Women’s World Championships sa Chongqing, China noong Sabado.
Pinilit ni Wenjun na lumaban sa adbentahe ng piece imbalance at matunog na queen promotion, dahilan para pasukuin si Lei Tingjie sa loob ng 62 moves ng Colle System.
Naging malikot ang dalawang knight ng kampeon para suportahan ang passed pawn sa c-file. Naging mitsa ito ng problema sa katunggali para tuluyang itigil ang laro sa itim.
"I feel this time it was a really, really good quality of chess games, and I think both players were playing very well," ani Ju Wenjun.
Pinaikot ng world champion ang kanyang opening sa queenside para bumuo ng mabigat na atake, kasabay ng suporta ng kanyang mga piyesa na tatakbo hanggang dulo.
Sumugal sa ika-18 tirada si Wenjun nang ipagpalit ang kanyang tore sa dalawang knight at maiiwang libre ang pawn sa gilid.
Gayunpaman, tinulak ni Tingjie ang kanyang pawn sa e5 at nagkaroon ito ng butas sa pawn structure, na kinalbaryo naman ng kampeon at naging mitsa ng pagkawasak sa matinding opensa sa sentro.
Gumawa pa ng paraan ang challenger na paikutin ang rook para makakuha ng libreng pawn sa kabilang gilid. Ngunit naging maingat ang world champion, kasabay ang pag-martsa ng c-file pawn patungong promotion, dahilan para umayaw ang kalaban.
Base sa computer engine na Stockfish, nasa 92.5 ang accuracy ni Ju sa laban, habang 87.7 naman kay Lei.
Kasalukuyang hawak ni Ju Wenjun ang titulo sa ika-apat na pagkakataon, ka-tabla rin ang kanyang kababayang si Hou Yifan, na nagsimula naman ng kanyang titulo noong taong 2010.

Photo Courtesy of FIDE Chess |