Josel Mari Sapitan
Kapos man sa manlalaro ng koponan, kumpyansa ni Gerry Abadiano ang kanilang naging puhunan.
|
Photo Courtesy of UAAP Media |
Naitakas ni six-foot guard Abadiano ang University of the Philippines (UP) sa sumpang tangan ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa Round 2 ng UAAP S86 Men’s basketball, 65-60, matapos bumandera ng 22 points, three rebounds at two assists sa Smart Araneta Coliseum, Oktubre 29.
Minanduhan ng Ilonggo pride ang Fighting Maroons sa kabila ng pagkawala nina CJ Cansino at JD Cagulangan na naging malaking balakid matapos silang payukuin ng Eagles sa unang round.
Sinalba ni Abadiano ang Fighting Maroons sa first half selyado ng isang buzzer beating three, upang tuldukan ang matamlay na takbo ng laban.
“Sinabi niya [Coach Goldwin] lang sa amin na ibigay namin ang best namin…ang basketball ay hindi naman yan perfect…magkakamali at magkakamali kami…ano man ang outcome maging thankful kami,” wika ni Abadiano.
Dagdag pa rito, kumolekta ng tig-10 puntos sina Francis Lopez, Malick Diouf at Harold Alarcon kasama ang combined 7 assists, 5 steals at 3 blocks para sa Maroons.
Bagaman umangat sa 13 ang kalamangan ng Fighting Maroons sa last quarter, rumagasa ng 8-0 ratsada ng Blue Eagles upang apulahin ang kalamangan gamit ang sharp shooting ni Jared Brown.
Naunsyami ang comeback run ng Blue Eagles sa natitirang dalawang minuto ng laban matapos maipasok ni Alarcon ang foul counted three at perimeter shot upang iangat ang bentahe sa Fighting Maroons, 63-57.
Malaki ang naging papel ni Abadiano sa pagbubukas ng second half matapos kumana ng dalawang tres na nagpabuhay sa diwa ng UP, 52-39.
Patuloy na kinalos ng Eagles rookie Mason Amos ang second quarter matapos ang corner at long three’s upang akayin ang kalamangan sa kalagitnaan ng yugto.
Umalagwa naman ang Maroons forward Francis Lopez gamit ang 6-0 run na sinundan ng buzzer beater three ni abadiano sa natitirang 7secs ng first half,32-30.
Nagtala si Brown ng 18 points, na sinahugan ng 11 markers at 4 blocks ni Obasa. Naki pa ang 10 points ni Amos beyond the line.
Nanatiling nasa tutok ang UP Fighting Maroons na may standing na 8-1 samantala namalagi pa rin ang ADMU Blue Eagles sa ikaapat na pwesto 4-5.