ANIMO LASALLE: Quiambao umalagwa sa 2nd half; La Salle sinungkit ang UAAP title makalipas ang 7 taon
Josel Sapitan
Sinapol ng Green Archers ang titulo sapagkat tangan ni Kevin Quiambao ang pag-asang palaso.
Photo Courtesy of The UAAP |
Ginulantang ng UAAP S86 finals MVP Quiambao ang top-seed University of the Philippines (UP) sa second half gamit ang 8-0 ratsadang nagtakas sa pitong taong pagkabigo ng De La Salle University (DLSU), 73-69,sa down-to-the-wire Game 3 ng best-of-three men’s basketball finals, Disyembre 6 sa Smart Araneta Coliseum.Inasinta ng Green Archers ang kanilang ika-10 titulo sa pangunguna ni UAAP Mythical five Quiambao sa crunch-time matapos magpakawala ng three’s na gumapi sa Fighting Maroons sa harap ng record breaking 25,192 crowd.
Huling ibinulsa ng La Salle ang UAAP Championship noong 2016 nang mawalis nila ang Ateneo De Manila University (ADMU) sa finals.
Bumandera ng 24 points, nine rebounds, four assists at two blocks ang six-foot four forward upang akayin ang koponan sa winner-take-all Game 3 at ibalik ang titulo sa Taft.
“As one of the reliables in the team, I needed to step up in the way that I can, be it on or off the ball. I just did my job,” ani’ya.
Taliwas ang 0-1 deficit sa dominanteng Game 1 kontra UP, 67-97, na binarekadahan ng 82-60, Game 2 upang itulak ang do-or-die UAAP Game 3 finals.
“We just need to work for it. I needed to step up,” dagdag pa ni Quiambao matapos magtala ng 14.7 points, 9.3 rebounds, 2.7 assists, 1.7 blocks sa kaniyang finals appearance.
Kumolekta naman si Floor General Evan Nelle ng 12 points, seven assists, six rebounds, two steals at one block na sinahugan ni Michael Phillips ng game-high 16 rebounds dagdag pa ang five markers at four dimes.
Bagaman dikit at puno ng tensiyon ang huling serye ng finals, namutawi ang DLSU sa natitirang dalawang minuto matapos idiskaril ang 4-0 run na umangkin sa bentahe ng UP, 70-67.
Dala ang kalkuladong tirada ni Quiambao sa last frame nanatiling scoreless ang Fighting Maroons matapos mag-init ang outside shooting sa crucial moment 12-2 run na bigong habulin ang tatlong kalamangan ng Green Archers.
Dahil dito, inabuso ng maroon-and-white ang fouling system ngunit pinatunayan ni UAAP MVP Quiambao na hindi siya magmimintis sa 4-of-4 Free Throw para selyuhan ang season 86.
Samantala, nagbigay daan ang kampeonato upang ibulsa ni first-year La Salle coach Topex Robinson ang kanyang kauna-unang college title matapos mabigo sa Lyceum at San Sebastian.
"I guess putting [my] name in that list is really an honor for me…this is my first championship as a college head coach after so many tries, and again…you just don't want to give up…you know, when you doubt yourself and you don't have the courage to move forward," saad ni head coach Robinson.
“I'm so grateful and honored to be a part of this amazing group… also, we have to credit the coaches who came before me and built this team… they've done a tremendous job and I'm just so grateful for these guys that were with me throughout the season,” dagdag niya.
Sa kabilang banda, tumikada ang graduating players ng UP na sina Malick Diouf at CJ Cansino ng 21 points at five markers para sa kanilang huling UAAP game na naging emosyonal habang kinakanta ang kanilang alma mater matapos maunsiyaming iuwi sa katipunan ang ikalawang titulo sa loob ng tatlong season datapwat ang 12-2 sa tuktok ng standing.
"Well nakita naman natin yung nilaro, binigay naman yung best ng team, we felt short ganun talaga yung buhay hindi talaga para sa amin," wika ni UP captain ball Cansino.
"Well syempre pagka nagchampion kana kasi madadala mo na yun for your everyday life kaya sobrang thankful ako na nakakuha ako ng championship kahit isa lang sa UAAP career ko,” dagdag niya matapos ang back-to-back runner up sa pagtatapos ng kanyang karera sa liga.