Josel Mari Sapitan

Kumpyansa’t pagkakaisa ang baon ng National University Pep Squad sa kanilang lathalang ‘Out of This World’ theme performance nang gimbalin ang UAAP S87 Cheerdance Competition na umeskapo ng ika-walong titulo para Bulldogs noong Sabado, Disyembre 1 sa Mall of Asia Arena.

Photo Courtesy of National University.

Naging matayog ang paglipad ng Blue-and-Gold sa estante matapos lumapag sa all-time best record in a decade tangan ang kanilang 8-out-11 korona at pumarada sa tabi ng longtime first-placer UST Salinggawi Troupe at UP Pep Squad.

Humataw ang Jhocson-based dancers selyado ang 713 puntos na sinahugan ng siyam espesyal na parangal; MWell Power Performance Award, Juicy-fied Pyramid, AlA Ascend Best Airial Performance, Jollibee Best Toss, Silka Stay Lit Dance Move Award, Skechers Stylish Performance Award, Yamaha Most Unique Dance Move Award, at Max Most Synchronized Dance Move.

Tumatak ang ginawang outer space execution ng Nationalians gamit ang kanilang kakaibang rotation, malinis na blockings, matatag na human pyramids at makapigil hiningang stunts na kanilang naging winning formula.

Ani ni NU head coach Gab Bajacan, hindi kapani-paniwala ang naging resulta ng laban dahil sa mahigpit na tunggalian ng bawat koponan na puno ng dedikasyon na manalo.

“We did not expect itong award na to. The whole competitors sobrang nag-step up lahat sila. Grabe yung mga pinaghirapan talaga nila,” ani’ya.

“We’re never stagnant, we continue to achieve something new for the UAAP cheerdance competition,” dagdag pa niya.

“We will make sure…[to] be stronger mentally,” mga katagang binitawan ni Bajacan noong nakaraang taon matapos kumubra ng pilak na kanilang sinapo upang maibawi ang kampeonato sa harap ng 19,121 manonood.

Sa kabilang banda, ibinulsa ng Adamson Pep Squad ang unang pwesto gamit ang kanilang karaoke-vibe cheer na nanggaling sa dalawang taong kabiguan.

Pumalakda sa ikalawang pwesto ang reigning champ FEU Cheering Squad listado ang 650 puntos sa kabila ng kaliwa’t kanang errors na mula sa Disney film series “Frozen”.

Naglakbay pabalik ang UE Pep Squad sa kanilang iconic Sexbomb-themed routine matapos silatin ang ika-apat na pwesto na sinuportahan ng group star member na si Rochelle Pangilinan.

Bumagsak din sa ika-lima at ika-anim na pwesto ang former podium finisher UST at eight-time champion UP na may 634.5 at 560 puntos sa kanilang baraha.

Nalugmok naman sa ilalim ng talaan ang DLSU Animo Squad at Ateneo Blue Eagles sarado sa 525 at 490 puntos upang kumpletuhin ang kompetisyon.