Josel Sapitan

Handa na ang Philippine Floorball Team (PFT) na sumabak muli sa World Games 2025 nang makapagtala ng makasaysayang 4-3 na panalo kontra Canada sa Men’s World Floorball Championship nitong Martes, Disyembre 10, sa Malmö, Sweden.

Photo Courtesy of PhilSTAR.

Pinalitadahan ng PH bet ang magandang pwesto sa WFC matapos maitala ang ‘Highest Placed Asia-Oceania Team’ at ikandado ang top 2 spot sa Group C garantisado ang Playoffs slot upang higitan ang 14th at 15th place mula 2020 hanggang 2022.

Maagang umabante ang Pinas sa unang period sa tulong ng powerplay na pinakawalan nina Simon Larano at Varga Rosello sa ika-10:24 minutong sumikwat sa bentahe.

Patuloy ang pagtarak ng visiting team sa second period nang simulang mainit nina Noah Larano at Lucas Werelius sa 21:18 minuto gamit ang transitional play na naglatag ng 2-0 sa kartada.

Gayunpaman, mabilis na rumespode ang Canada nang makaiskor ang ditcher nilang si Alex Jette sa ika-24:21 point para apulahin ang lumulubong kalamangan.

Bagaman dikdikan ang sagupaan sa mahigit na bente minuto ng midway, humarurot ang Pilipinas sa 47:59 minuto sa pangunguna nina Rhodell Esquerra na kumana ng left shot at Lucas Werelius upang idiskaril ang talaan sa 4-1.

Bitbit ang three point lead, kinapos ang dalawang puntos na nalikom ng Canadians sa crunch time matapos itakas ng mga Pinoy ang panalo.

Makakasama ng Philippine Floorball Team ang Philippine Dragon team at si Olympian Hergie Bacyadan sa World Games na gaganapin sa Agosto 7-17 sa susunod na taon.