85% bawas sa plastic waste, target bago ang 2040 — DENR

Romilen Santander

Naglunsad ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng isang pambansang plano na naglalayong bawasan ng 85% ang plastic pollution sa Pilipinas bago sumapit ang 2040. 

Iniharap ng DENR ang Philippine National Plastic Action Roadmap kasama ang National Plastic Action Partnership (NPAP), World Economic Forum, at iba pang katuwang na sektor upang magkaroon ng iisang estratehikong gabay ang bansa tungo sa isang circular economy.

Ayon sa datos ng NPAP, gumagawa ang Pilipinas ng humigit-kumulang 61,000 metric tons ng basura araw-araw—kung saan 12-24% nito ay plastic waste na madalas humahantong sa mga dumpsite, ilog, at karagatan.

Upang tugunan ito, nakatutok ang roadmap sa pagbawas ng paggamit ng plastic sa pinagmulan nito, pagpapalakas ng waste segregation at recycling, pagpapatayo ng mga Materials Recovery Facility, pagpapasara ng mga open dumpsite, at ang pagbibigay ng suporta sa mga informal waste worker sa bansa.

Inihayag ni DENR Secretary Juan Miguel Cuna na kinakailangan ang tuloy-tuloy at may pananagutang aksyon sa paglipas ng iba’t-ibang administrasyon upang makamit ang nasabing target sa 2040.

Bagama’t naipresenta na ang mga pangunahing layunin at estratehiya ng roadmap, nilinaw ng kawanihan na kasalukuyan pa ring inaalam ang eksaktong badyet at pondo ng kakailanganin para sa pambansang pagpapatupad nito.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

I consent to receive newsletter via email. For further information, please review our Privacy Policy

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...