Alas Pilipinas tatangkaing makamit tanso sa 33rd SEA Games kontra Indonesia 

Photo Courtesy of POC Media Pool

Matapos ang dikdikang laban kontra Vietnam, muling tatangkain ng Alas Pilipinas women’s volleyball team na ibulsa ang tansong medalya sa 33rd Southeast Asian Games sa Disyembre 15, 2025 sa Indoor Stadium Huamark sa Thailand.

Matatandaang kinapos ang Alas sa semifinals matapos dumulas kontra Vietnam sa iskor na 25-14, 25-20, 25-17.

Tangan ang kumpiyansa ng Alas matapos subuking tangkain ang finals spot para harapin muli ang powerhouse team ng Asya na Thailand, ngunit mabilis na depensa at opensa ang pinalasap ng Vietnam sa koponan.

Aminado si Coach George De Brito na hindi pa ganoon ka-consistent ang koponan kumpara sa ibang matagal nang nadedevelop na mga koponan. 

“Well, not about the result, but about the consistency that we want. It’s not yet there. But they did good,” ani De Brito. panayam mula sa Abs.cbn.com

Sa kabila nito, tumikada ng 10 puntos si opposite spiker na si Alyssa Solomon upang pangunahan ang opensa ng Alas.

Bumida rin ang bagsik ng dalawang lasallian player na si Angel Canino na mayroong siyam na puntos habang si Amie Provido naman ay nagtala ng anim na puntos na may tatlong blocks.

Sa huli, buong puwersa pa rin haharapin ng Alas ang Indonesia para sa battle for third na gaganapin sa Disyembre 15  upang subukang silatin ang tanso sa torneyo.

Inaasahan ng buong bansa na bitbit pa rin ng Alas ang bagsik at bangis para sa huling laban sa 33rd SEA Games.

0 Votes: 0 Upvotes, 0 Downvotes (0 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...