Bullpups nginatngat ang Baby Tamaraws; Sabareza, iginiya ang Nazareth palapit sa UAAP Crown 

Photo Courtesy of UAAP Season 88 Media Team

Dinomina ng National University-Nazareth School (NUNS) Bullpups ang Far Eastern University-Diliman (FEU-D) Baby Tamaraws matapos magwala ni David Sabareza sa Game 1 ng best-of-three thriller, 79-49, ng UAAP Season 88 Junior High School Basketball Tournament nitong Sabado, Disyembre 6 sa Smart Araneta Coliseum.

Matatandaang winalis ng NU-Nazareth ang 14 elimination games na may 24.23-point average winning margin ngayong season kaya’t napasakamay nila ang outright Finals berth. 

Bumida si 15-year-old Sabareza matapos niyang kumamada ng 30 puntos, limang rebounds, at dalawang assists.

Sumuporta rin si Ean Tria na may siyam na puntos, apat na rebounds, tatlong assists, na sinahugan pa ni Ian Manalo ng walong puntos, apat na rebounds at assists.

Nagpasiklab agad sa opening frame ang NUNS nang mag back-to-back layup sina Sabareza at Loin Lalong-Isip, 11-4.

Bago matapos ang unang yugto, tambalang two-and-three point jump-shots nina David at Caleb Liwanag naman ang nangibabaw dahilan upang tuluyang malugmok ang tamaraws, 23-9.

Sa ikalawang quarter, nagsalpak ang 6-foot-1 Sabareza ng 15-6 run na sinabayan ng isang tres ni Manalo upang itulak ang abante sa 47-29.

Hindi rin bumitaw ang NU pagpasok ng second half matapos manaig muli sa 10-minute stretch, 61-35.

Sa huling kwarter, muling sinubukan ng FEU-Diliman na gapangin ang laban ngunit nilapa ng Bullpups guard ang kanilang pangarap nang idiskaril ito nina Manalo at Jehove Gatumbato gamit ang 5-0 run sa last two minutes ng laro, 79-49.

Kapanapanabik na bakbakan ang hinihintay ng lahat sa Game 2 Finals ng UAAP S88 JHS Basketball ngayong darating na Miyerkules, Disyembre 10 sa Mall of Asia Arena.

3 Votes: 3 Upvotes, 0 Downvotes (3 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...