Filipina5 nabigo kontra Morocco, quarterfinals tiket naunsyami

Photo Courtesy of Sports Inquirer/Daily Tribune/Rappler

Nabitin ang pag-asa ng Philippine women’s national futsal team, o mas kilala bilang Filipina5, na makapasok sa quarterfinals ng FIFA Futsal Women’s World Cup matapos itong mauwi sa 3-2 pagkatalo kontra Morocco nitong Nob. 24 sa Philsports Arena sa Pasig City.

Maagang nagpakita ng balanseng laro ang FilipinaFive sa likod nina Cathrine Graverson, na nagtimpon ng matatag na depensa para sa mabilis na transition plays, at Inday Tolentino, na tumulong sa pagbuo ng mga puntos upang manatiling dikit ang laban.

Nagmula agad ang pambihirang breakthrough sa ika-4 na minuto mula sa isang maayos na set piece ni Bella Flanigan na nagbunga sa isang malinis na tira ni Dionesa Tolentin para sa unang goal ng Pilipinas.

Makalipas lamang ang tatlong minuto, maingat na isinupalpal ni Graversen ang bola para sa 2-0 na abante, isang goal na naglagay din sa kanyang pangalan sa kasaysayan ng Filipino futsal.

Ngunit mabilis nakabawi ang Morocco, na nagtabla sa dalawang magkasunod na tira nina Laftah at Tadlaoui bago tuluyang kumumpleto ng comeback sa ika-17 minuto sa volley ni Demraoui para sa 3-2 na abante.

Samantala, haharapin naman ng Filipina5 ang world no. 6 na Argentina sa Huwebes, ika-27 ng Nobyembre na nakasikwat ng puwesto sa quarterfinals matapos karguhin ang Poland sa loob ng 3-2.

5 Votes: 3 Upvotes, 2 Downvotes (1 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...