Gift Control: Mga Christmas Gifts na dapat nang makulong

 Tuwing Pasko, parehong saya at konting stress ang nararamdaman ng Pinoy. Saya sa family, lights, at pagkain… stress sa paulit-ulit na regalo. Mugs, towels, shirts, photo frames, photo albums. Lahat ng mga ito, laging present sa bahay. Nakatutuwa sa umpisa, pero minsan, parang clutter na lang na sumasakop sa shelves at cabinets natin.

Kaya this year, why not be a little more thoughtful? Hindi kailangan mahal, basta useful, personalized, at mas exciting. Para sa susunod na Pasko, hindi na sila mapapasabi ng “Ay, ito na naman?”

1. MUGS

Sino ba ang wala pang limang mugs sa bahay? Laging “safe gift” sa office o family exchange. Cute sa umpisa, pero kapag naipon sa cabinet, parang pwede ka nang magbenta sa dami nito.

Mas magandang alternative ang mga insulated tumblers o coffee samplers. Still practical, pero hindi nagdadagdag sa shelf congestion. Siguradong ma-appreciate ng recipient.

2. PHOTO FRAME

Classic tita gift, pero stock photo pa rin ng random family? Sa dami ng ganito sa bahay, hindi na lahat ma-display. Parang regalo lang na nakatabi, hindi na nakakapagpasaya.

This year, sana digital photo frame o minimalist art print na lang. Same sentimental vibes, pero mas stylish at functional, at hindi nag-aambag sa clutter.

3. PHOTO ALBUM

Cute sana kung puno ng pictures, pero blank album? Parang project na di natatapos. Busy ang Pinoy sa trabaho, errands, family life, ‘di na nagagawa i-layout at i-print lahat ng memories.

Mas effective kung pre-made printed photo book. Instant memories na ready na i-display. O scrapbook kit na simple lang pero creative, manageable, at fun.

4. TOWEL

Practical gift, pero kung limang kamag-anak mo rin ang may parehong towel, parang duplicate items lang sa bahay. Useful, yes, pero hindi nakakakilig.

Sana plush robe o cozy blanket naman. Functional at relaxing. Pwede ring self-care kit gaya ng bath bombs, oils, at soft face towel. Mas personal at thoughtful kaysa simple towel.

5. SHIRT

Maling size o kulay? Pang-pambahay na lang? Parang regalo na ‘di talaga swak. Tapos may pressure pa suotin agad kahit di bagay.

Mas safe kung neutral-colored hoodie o pullover, o gift card. Wearable, practical, at mas siguradong magugustuhan ng pagbibigyan.

Paulit-ulit na regalo, nakatutuwa sa umpisa, pero minsan nagiging clutter na lang. Sa Pasko, mag-level up, give gifts na thoughtful, useful, at mas may personality. Hindi kailangan mahal, basta alam mong makapagpapasaya.

This year, let’s have Gift Control: gifts that bring joy, not umay effect.

2 Votes: 2 Upvotes, 0 Downvotes (2 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...