Javier Ignacio, Karl Abarquez humakot ng parangal sa Algorithms III

Photo Courtesy of World Cube Association/MnM Cube Shop/Ruwix

Naguwi ng samu’t saring parangal sina Javier Ignacio at Karl Abarquez matapos manguna sa ginanap na Algorithms in Antipolo III nitong ika-30 ng Nobyembre sa Robinsons Antipolo City.

Kabilang ang Algorithms in Antipolo III sa mga patimpalak ng World Cube Association (WCA) at Philippine Cubers Association (PCA) na nilahukan ng humigit kumulang 66 na kalahok mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas at isa na tubong Australia.

Kasalukuyang may kabuuang 11 ginto, 19 pilak, at 20 tanso si Ignacio at 31 gold, 13 silver, at 18 bronze naman ang medal records ni Abarquez sa buong speed cubing tournaments na kanilang sinalihan. 

Kinubra ni Filipino-cuber Ignacio ang unang pwesto sa 3x3x3 series matapos niyang maitala ang 8.37-second average at markahan sa 6.93 segundo ang best finish.

Namayani rin si Ignacio sa 2x2x2 finals nang makamit niya ang 3.21-second mean score, dahilan upang makatungtong siya sa ikalawang pwesto, kapos upang mapatalsik si James Certeza sa top podium na may 2.51-second average.

Bukod dito, bumida rin si Ignacio nang maiuwi ang ikatlong gantimpala sa Clock, at ikalawang pwesto naman sa Pyraminx at Skewb kung saan nagtala siya ng kanyang personal record (PR) na 1.34 seconds.

Samantala, kumubra naman ng apat sa pitong podium finishes sa Clock, Megaminx, Pyraminx, at Skewb category. 

Gintong medalya ang nakamit ni Abarquez sa Skewb, kalakip ang national record (NR) 2.82-second mean, sabay sa PR best single na 0.99 second.

Top podium din si Abarquez sa Clock matapos ayusin ang puzzle sa 2.69-second average, 3.28-second na abante kumpara kay Ignacio, na nagtala ng 5.97 seconds sa parehong kategorya.

Dagdag pa rito, hinirang si Karl bilang second at third best sa Megaminx (56.90 seconds) at Pyraminx (4.37 seconds).

Sa huli, kapwa nagpakitang-gilas sina Ignacio at Abarquez, ipinamalas ang kanilang husay at determinasyon upang patunayan ang sarili sa larangan ng speed cubing.

1 Votes: 1 Upvotes, 0 Downvotes (1 Points)

Leave a reply

Stay Informed With the Latest & Most Important News

Loading Next Post...
Follow
Search Trending
Popular Now
Loading

Signing-in 3 seconds...

Signing-up 3 seconds...